Gwyneth POV
Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad papunta sa classroom namin nang may makabunggo akong tao. Nalaglag ang librong binabasa ko at napaatras ang katawan ko.
"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin.
"It's okay Miss."
Pinulot ko naman ang libro at tiningnan ang nakabunggo ko. Isang lalaki. Nakauniform tulad ng dito sa school namin. Ngayon ko lang nakita ang pagmumukha ng isang to. Transferee ata.
"I'm Algeom Astronomo. I'm sorry. Hindi kasi ako nakatingin sa daan."
"Nah. It's okay. Gwyneth."
Inabot niya ang kamay niya kaya nakipagshake hands naman ako.
"Una na ako. Sorry ulit."
Naglakad na ako paalis doon dahil hindi ko namang ugaling makipag-usap ng matagal. Naupo ako agad sa upuan ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Dumating si Aizel pero hindi ko na lang pinansin at nagbasa na lang dahil maganda na ang binabasa ko. Pero natigil yun nang biglang may pumasok sa classroom namin at sumigaw.
"Loves!"
Kingina talaga. Ang aga aga mambubwisit na naman siya.
"Kingina." Bulong ko na ikinatawa ni Aizel.
"Ayan na ang Mr. Vigorous mo."
Lumapit ito sa amin at tumigil sa tapat ko. Doon ko pa lang isinara ang libro at nilagay ko sa bag. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagulat ako nang makita ang lalaki kanina.
Ngumiti naman ito sa akin at kumaway. Ito namang katabi kong si Aizel ay natulala na kay Algeom.
"Hoy, Algeom, huwag kang kumaway sa loves ko."
"Loves mo?"
"Oo, siya yung kinukwento ko sayo."
"Ah. Nakilala ko na siya kanina."
"Talaga? Baka nilandi mo ang loves ko kakaltukan kita."
"Hindi ah. Pero maganda siya."
"Hoy! Huwag ka nga. Akin yan eh. Kapag nilandi mo yan naku talaga Algeom Astronomo ibabalik kita sa Canada."
"Ang ingay mo Romero." Sabad ko sa usapan nila.
Parang babae ang isang to. Napakaingay.
"Ito kasi loves oh. Inaagaw ka sakin."
"Hindi naman ako sayo Romero."
"Eh hindi mo naman pala pagmamay-ari tol."
"Tigilan mo ko."
Napailing na lang ako sa kanila at siniko itong katabi kong tulala pa rin at nakatitig kay Algeom. Kingina. Nastarstuck pa nga.
"Ah nga pala Algeom, si Aizel, kaibigan ko."
Doon lang natauhan ang gaga at namumulang nakipagkamay kay Algeom. Nakita ko naman ang nakabusangot na mukha ng tukmol sa harap ko.
"Anong itsura na naman yan?"
"Bakit kapag kay Haihai at Al first name ang tawag mo. Tapos pagdating sakin surname, minsan pa tukmol."
Inirapan ko naman siya sa pagmamaktol niya. Bahala siya dyan. At ano bang pakialam niya? Para ko naman siyang boyfriend sa inaasta niya.
"Ang arte mo. Para kang babae."

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Ficção AdolescenteCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...