Gwyneth POV
Sa wakas! Biyernes na. Hindi ko makikita ang tukmol bukas. Thank you lord!
Dahil wala pa namang teacher sa classroom namin ay nagbasa na lang muna ako ng libro. Actually, ito na yung last na libro sa apat na binigay nila mama.
Yung tatlo kasi ay tapos ko nang basahin. At matatapos ko na rin ang isang to.
Okay lang naman dahil pupunta naman ako bukas sa bookstore. Bibili nang libro.
"Hoy bruha."
Tinigil ko naman ang pagbabasa at inangat ang tingin kay Aizel.
"Oh?"
"Arat magmall bukas."
"Bukas?"
"Oo, kakasabi ko lang diba?"
"Ano namang gagawin natin dun?"
"Lilibot, kakain, gagala."
"Ah."
"Sama na uy."
"Pupunta naman talaga ako bukas sa mall. Punta akong bookstore."
"Bili kang libro?"
"Obviously."
"Eh di mabuti! Basta bukas."
"Oo na."
Binalik ko na ang atensyon ko sa pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng mga bubuyog sa classroom namin. Pano ba naman ay biglang umingay dahil sa bulungan nila. Yung iba ay parang mga kinakatay na biik.
Dahil sa inis ko ay binaba ko ang librong binabasa at tiningnan kung bakit sila nagbubulungang lahat.
Nagulantang naman ako sa nakita ko. Sabihin niyong hindi nangyayari to. Gisingin niyo ako sa panaginip na to. Susmeyomarimar!
Yung tukmol na si Romero! Nakacomplete uniform. Bagong gupit. Nakangiti sa akin. At.. at.. at..
Jusko!
At may hawak na isang bouquet ng red roses na may nakahalong chocolates!
Bakit? Bakit.. bakit ang g-gwapo niya?
Hindi ko alam sa sarili ko pero hindi ko maiwasang tingnan siya at humanga sa itsura niya.
"Hoy bruha. Baka tumulo na ang laway mo dyan." Bulong sa akin ni Aizel.
Agad naman akong umayos ng upo at tiningnan ang tukmol na nakangiti sa harapan ko.
"Good morning. Flowers for you."
Para akong tangang kinukuha ang bouquet sa kaniya. Hindi ko pa rin maiwasang humanga sa itsura niya. Nabubulag na ba ako? Bakit gwapo siya ngayon sa paningin ko?
"T-thank y-you."
Pinatong ko naman ang bouquet sa desk ko at narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
"Sana all."
"Ang swerte naman ni Gwyneth."
"Ang gwapo ni Railey."
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. Bahala sila. Hindi ko alam kung bakit parang may mga paro paro sa tiyan ko. Susmeyo naman.
"Ahm. Eskandaloso ba?"
"Sa tingin mo? Matapos mong magdala ng pagkalaki laking bouquet dito tapos hindi pa eskandaloso?"
"Sorry. Gusto ko lang bigyan ka niyan. Just to make you happy. Alam ko namang sa bawat pagsulpot ko tuwing umaga ay naiinis ka. Kaya naman, ito pambawi. I hope this bouquet of roses makes you smile even just for today."
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...