Chapter 20

8 2 0
                                    

Gwyneth POV

Dahil may party mamaya sa school ay wala kaming pasok ngayon. Napatingin ako sa bouquet ng libro na nasa study table ko.

Para akong tanga na napangiti dahil sa nangyari kahapon. Parang dati lang, ayaw kong tanggapin ang librong binibigay niya. Pero ngayon,ito at napapangiti pa ako dahil sa binigay niya.

Matapos ang nangyari sa garden kahapon ay nagkayayaan pang magstarbucks noong uwian.

~FLASHBACK~

Tapos na ang song dedication. Ibig
sabihin, uwian na. Pero ito kaming lima at nakaupo pa rin sa may garden.

"Starbucks tayo." Aya ni Haines.

"Game." Sagot naman nung dalawang bubuyog.

Tumingin naman sila sa amin ni Railey dahil hindi kami sumagot.

"Hoy, kayong dalawa? Hindi kayo sasama?" Tanong ni Haines.

"Sasama." Sagot ni Railey.

Tumango na lang ako kay Haines noong tumingin siya sa akin.

"Tara na."

Nagtayuan kami at kaniya kaniyang sukbit ng bag sa balikat. Sabay sabay kaming naglakad palabas ng school.

Naglakad na lang kami papunta sa Starbucks dahil malapit lang naman. Si Al,dala ang bouquet ni Aizel. Habang si Railey naman ang may dala noong sa akin.

Siya na daw ang magdadala dahil mabigat.

Nang makarating sa Starbucks ay naghanap kami ng table na kakasya kaming lima.

Noong makahanap ay kaniya-kaniya kaming upo. Binigay sa akin ni Railey ang bouquet.

"Kami na ang oorder. Ano sa inyo?"

Si Al ang kumuha ng order ni Aizel habang ang sa amin ni Haines ay si Railey. Tinatamad daw kasing tumayo si Haines kaya si Railey ang pinabili niya.

Ang sabi pa nga ni Haines, "sige na tol, ikaw na ang mag-order para sa akin. Tutal masaya naman kayong dalawa ni Al ngayon. Sana all may partner."

Wala naman kaming ginawa sa Starbucks kundi mag-order at kaunting kwentuhan. Noong magsisiuwian na ay nagpupumilit si Railey na ihatid ako sa bahay dahil maglalakad lang daw ako at mabigat pa ang bouquet na dala ko.

"Sige na kasi loves. Ihahatid na kita."

"Huwag na nga."

"O sige. Hindi na kita ihahatid. Pero, magtatricycle ka."

"Huwag na. Kaya ko namang dalhin to."

"Hindi. Magtatricycle ka."

Nakatingin lang sa amin ang tatlo habang nag-aaway kami kung magtatricycle ako o hindi.

"Para kayong magjowa na nag-aaway."

Napatigil naman kami sa sinabi ni Aizel. Kingina. Oo nga. Bakit ba kami nag-aaway nito dahil lang dun?

Bago pa man ako makaapila kay Railey ay nakatawag na siya ng tricycle.

"Sumakay ka na."

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na umapila pa. Kumaway lang ako sa kanila bago sumakay ng tricycle.

Kumaway naman sila sa akin habang nakangisi. Kinakausap naman ni Railey ang tricycle driver.

Noong matapos niyang kausapin ang driver ay naglakad siya papunta sa may sa akin.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon