Chapter 12

17 3 0
                                        

Gwyneth POV

Lunes na naman. That means may pasok na naman. Kinginang yan. Nakakatamad amp.

Naglalakad ako papunta sa locker are nang may marinig akong tumutugtog sa music room. Bago ka kasi makarating sa locker area ay madadaanan muna ang music room.

Dahan dahan akong lumapit sa music room at sumilip doon. Nagulat naman ako nang makita si Romero na nandoon sa loob at tumutugtog ng gitara.

Hindi ko alam pero hindi ko maialis ang paa ko at nandoon lang nakasilip habang pinapanood siyang maggitara. Para akong hinehele nang magsimula siyang kumanta.

"Guess it's true,I'm not good at a one night stand
But I still need love 'cause I'm just a man
These nights never seem to go to plan
I don't want you to leave will you hold my hand?"

May pinaghuhugutan ba ang isang to? Broken hearted ka gurl?

"Oh,won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love,it's clear to see
But darling,stay with me"

Bakit hindi ko maialis ang paa ko at maglakad palayo?

"Why am I so emotional?
No,it's not a good look,gain some self-control
And deep down I know this never works
But you could lay with me so it doesn't hurt"

Bakit gusto nang mga mata kong panoorin siya?

"Oh,won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love,it's clear to see
But darling,stay with me"

Bakit gustong marinig ng mga tenga ko ang boses niya habang kumakanta?

"Oh,won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love,it's clear to see
But darling,stay with me"

Bakit parang hinihipnotismo ako ng boses niya?

"Oh,won't you stay with me?
'Cause you're all I need
This ain't love,it's clear to see
But darling,stay with me"

Ano bang nangyayari sakin?

Nang matapos siyang kumanta ay pinilit kong maglakad palayo at makaalis agad bago niya pa ako makita. Nakisama naman ang mga paa ko at narating ang locker ko.

Hindi naman siguro niya malalaman na narinig ko siyang kumanta. Kinuha ko ang mga libro kong gagamitin at nagmamadaling naglakad papunta sa classroom namin.

Bakit ba naaaligaga ako? Ano naman ngayon kung malaman niya na narinig ko siyang kumanta?

Napailing na lang ako at naupo sa pwesto ko. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Nababaliw na ba ako?

Mabuti na lang at dumating na si Aizel.

"Wassup bitch."

"Sup."

Nang mailapag niya ang bag sa upuan ay para siyang kitikiti na may hinahanap.

"Ang likot mo."

"Teka, samahan mo ko sa locker area. Kukunin ko yung libro ko. Nakalimutan kung kunin."

Napilitan akong tumayo dahil baka mabaliw lang ako kakaisip sa mga bagay bagay.

Kung ano ano lang pinagsasasabi ni Aizel habang naglalakad kami pababa.

Naalala ko namang naiwan ko kanina sa locker ang librong binigay nila mama. Babasahin ko iyon kaya kinuha ko na rin. Pero pagbukas ko nang locker ko ay bulaklak ang bumungad sa paningin ko.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon