EPILOGUE

32 3 0
                                    

Gwyneth's POV

Seeing the six of us wearing our toga is the best. Yes, it's our graduation today. Ang bilis lang ng panahon. Parang dati lang ay iniiwasan ko pa si Railey. Na ngayon ay katabi ko pa sa pagtatapos. Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan ang sarili kong ngumiti at maging masaya kung ganito ang nangyayari.

"You're creepy sis. Smiling there like an idiot." my brother said.

I just look at him and suddenly my tears form. Hindi ko alam. Pero nang tingnan ko si Kuya, naramdaman ko yung pakiramdam na may kulang sa akin. Hindi ko sinasabing kulang pa sa akin si Kuya pero iba pa rin pala kapag nakilala mo yung mga tunay mong magulang.

Masaya naman ako na napakalaki ako ng maayos nila mama at papa pero gusto kong makita sa personal sila mom at dad. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon.

"Sshh. Don't cry. Andito lang si Kuya. Hindi kita iiwan."

Wala na akong pakialam kung masira ang make up ko. Tapos na naman ang graduation namin. Niyakap ko ng mahigpit si Kuya habang umiiyak.

"I'm sure they are proud of us. Especially to you." pag-aalo niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako sa kaniya.

"Gusto ko silang makita Kuya. Pero hindi ako nabigyan ng chance. Gusto ko silang yakapin kahit sa panaginip. Gusto kong maramdamanan yung pagmamahal na binibigay nila." umiiyak na tugon ko kay Kuya.

"Kahit hindi mo sila nakasama, alam kong binabantayan ka nila ngayon. Tayo. Mahal ka nila Gwy. Kahit matagal kayong pinaglayo. Andito ako. Tatayo bilang Kuya, Mommy at Daddy mo."

Ramdam na ramdam ko iyong pagmamahal na binibigay sa akin ni Kuya. Pinaparamdam niya sa akin na kumpleto ako.

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang mukha ko. Lumapit si Rai sa amin at siya ang nagpunas ng mga luha ko gamit ang panyo niya.

" Mukha ka ng panda loves." sabi niya sa akin habang pinupunasan ang mukha ko.

Hinampas ko ng marahan ang braso niya dahil sa pang-aasar niya sa akin. Tinawanan niya lang ako at pinagpatuloy ang pagpunas sa mukha ko.

"Hindi bagay sayo ang umiyak. Dapat sayo iniingatan at pinapasaya. Tinuturing na prinsesa at kung maaari ay isang reyna. Hayaan mo, lilipas ang mga taon, mararamdaman mo ang maging reyna. Reyna sa bahay at kasama ang mga anak nating dalawa. Sa ngayon, iingatan kita at pasasayahin sapagkat iyon ang aking tungkulin. Mamahalin kita na parang isang tunay na prinsesa na bumihag at umakit sa aking mga mata. Mahal na mahal kita. " iyon ang mga katagang sinasabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay dinampian niya ng halik ang aking noo.

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. Ang lalaking ito. Ang lalaking ito ang nagtiyaga sa ugali ko. Humabol sa akin kahit anong pilit kong ilayo ang sarili ko. Pinapasaya niya ako kahit na palagi akong nakabusangot sa tuwing makikita siya noon. Ang lalaking ito, ang taong mahal ko.

"I'll be with you until we're old. I want to be your prince nor king someday. I will protect you no matter what happens. Ikaw yung dumating sa akin na ayaw kong mawala at gusto kong ingatan habang buhay." dagdag pa niya habang magkayakap kaming dalawa.

"You are my prince now and soon to be my king. I will always trust you and love you no matter what happens. Ikaw lang ang lalaking nagtiyaga at nagmahal sa akin ng ganito. Ang tanga ko naman kung sasaktan kita at hahayaang makuha ng iba." sagot ko sa mga sinabi niya.

Hindi ko na siya narinig pang umimik ng ilang segundo. Bigla siyang humiwalay sa yakap at nagtatalon habang nakangiti. Napatingin sa gawi namin ang mga kaibigan namin. Ano ba namang saltik ng lalaki ito?

" Hoy Railey! Nababaliw ka na ba? Para kang batang tumatalon diyan!" sigaw sa kaniya ni Kuya.

"Huwag ka ngang mangialam diyan Haihai. Kinikilig ako tanga! Nagsalita ng sweet words yung girlfriend ko! Mainggit ka!" sigaw naman pabalik ni Rai.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tatawa-tawa siyang lumapit sa akin at niyakap akong muli. Baliw talaga.

"You will always be my favorite person."

"Me too. And it will never change."

I, Gwyneth Anderson, the ms. masungit at the beginning and becomes ms.softy at the end are now signing off.

I, Railey Romero, the guy who chase for Gwyneth and the guy who really loves her are now signing off.

~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:

Hi guys!
Tapos na ang ating Fall series #1. Thank you for supporting me and my stories. Thank you also for reading my stories. Your comments and votes for my stories are highly appreciated. I don't care about the votes, as long as you enjoy reading, I'm already happy with that. Thank youuu! Love you all! 💙

Mr. Anderson, see you for the next story 😗

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon