Railey POV
Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos kong sabihin kay loves yun kahapon. Masama ang pakiramdam ko dahil doon.
Huwag naman sanang bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin. Kahit napilitan lang akong itanong yun sa kaniya dahil inutusan ako nila Al ay may parte sa akin na gusto ko ring itanong yun sa kaniya.
Alam kong pupunta ngayon sa mall sila Aizel at Loves. Kaya ito ako ngayon. Sinusundan sila papasok sa bookstore.
Nagmamasid lang sa mga gagawin niya. Ayun na naman siya at kumukuha ng mga librong kaya niyang bilhin. Nakita kong humiwalay si Aizel sa kaniya para pumunta sa kabilang banda ng bookstore.
Gusto ko siyang lapitan at sabihing kunin niya ang gusto niyang libro at ako na ang magbabayad. Pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi naman siya papayag. Pinapanood ko na lang siyang tingnan ang mga librong gusto niya pero hindi niya binibili.
Kaya naman nang makaalis siya sa shelf na iyon ay kinuha ko ang mga librong alam kong nagustuhan niya pero hindi niya mabili.
Hinintay kong makaalis siya sa bookstore bago ako naglakad papunta sa counter para magbayad. At kapag sinuswerte ka nga naman at yung cashier noon ang cashier ngayon.
"Good morning sir."
"Good morning."
"Ang dami niyo po atang nabili ngayong libro."
"Hmm. Alam mo na."
"Ang swerte po talaga ni Maam sa inyo."
"Ilang libro lang ang binili niya?"
"Dalawa lang po sir."
"Ganun ba?"
"Opo. 2,000 pesos po lahat sir."
Binigay ko naman sa kaniya ang ATM ko para matapos na. Kinuha niya naman iyon.
Nilagay niya sa paper bag ang limang libro at binigay sa akin. Inabot ko naman yun at ngumiti ako sa kaniya.
"Thank you."
"Thank you for buying Sir. Come again."
Dala ang paper bag ay naglakad na ako paalis doon. Habang naglalakad-lakad sa loob ng mall ay nadaan ko ang toy store. Nakuha ng isang stuff toy doon ang atensyon ko.
Pumasok ako sa toy store at nilapitan ang stuff toy na nakita ko mula sa labas.
Napangiti naman ako dahil nakikita ko sa stuff toy na ito si loves. Isa kasi yung babae at masungit ang mukha. Nakasuot ito ng simpleng damit.
Tiningnan ko ang presyo at kaya ko naman itong bilhin kaya kinuha ko na bago naglakad papunta sa counter.
Matapos kong bayaran ang stuff toy ay naglakad na ako palabas sa mall. Baka kung ano pang makita ko na sumisibolo kay loves at mabili ko lahat. Mauubos ang laman ng ATM ko.
Mapapasabak na naman ako sa matinding ipunan at part time kapag ganito. Hindi ko pa man din mapigilan ang sarili kong bilhin ang mga nakikita kong may kinalaman sa kaniya.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Aizel.
"Hello?"
"Aizel."
"Rai, bakit?"
"Kasama mo ba si loves?"
"Oo. Lumayo nga ako sa kaniya nung nakita kong ikaw ang tumatawag. Og bakit?"

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...