Gwyneth POV
Isang linggo na ang nakakalipas mula noong nangyari ang sagutan namin ni Castro sa canteen at ang pagsapak ko sa kaniya. At ngayon ay nakabalik na sa pagpasok ang gaga.
Palagi ko siyang nakikita na masama ang tingin sa akin. Ano namang pakialam ko sa kaniya? Baka masapak ko lang ulit siya.
P.E namin ngayon at nagkaroon lang kami ng activity. Naglalakad kami ngayon ni Aizel papunta sa locker area para kunin ang extra shirt sa locker namin.
"Mabuti at nakabalik pa si Castro na buo pa rin ang bungo."
"Gago ka talaga. Syempre makakapasok yun. Makapal mukha nun eh. Kaya parang wala lang yung suntok ko sa kaniya."
"Kingina HAHAHAHA"
Tumatawa lang siya habang naglalakad kami. Natigil lang yun noong nasa harap na kami ng locker.
Nang buksan ko ang locker ko ay inaasahan ko na ang makikita ko. Sa loob ng isang linggo ay palaging may bulaklak sa locker ko nang sunod sunod. Lahat yun ay galing sa tukmol.At tama nga ako. May nakita akong bulaklak sa loob ng locker ko.
Red roses.
May note ulit doon. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay.
dangsineun jeongmal aleumdawoyo
Ano naman kaya ang ibig sabihin nito?
Naramdaman ko ang presensya ni Aizel sa tabi ko.
"May note?"
"Hmm."
Pinakita ko naman sa kaniya ang note. Kinuha niya naman ang cellphone niya at binuksan ang google. Nagsearch siya kung anong meaning ng nasa note.
"You are very beautiful. Yun ang meaning."
"Tss."
"Kinikilig ka ba bruha?"
"Hindi. Bakit naman ako kikiligin?"
Nagkibit balikat na lang siga bago inaya na akong pumunta sa canteen.
Nang makapasok sa canteen ay nakita namin si Haines na kumakaway sa amin. Sa loon ng isang linggo ay palagi itong kasama namin.
Naglakad naman kami papunta sa table kung nasaan siya.
"Ako na ang oorder. Anong sa inyo?"
Tanong niya nang makaupo kami ni Aizel."Spag at juice." Sagot ko naman.
"Juice at burger."
"Okay. Hintayin niyo ako dito."
"Syempre hihintayin ka namin nasayo pagkain namin eh."
Tumawa lang siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko naman ang kamay niya.
Mabait si Haines. Naging kaibigan na rin namin siya dahil sa pagsasasama niya. Sa totoo lang ay sapilitan kung bakit.
♡FLASHBACK♡
Naglalakad kami ni Aizel papunta sa gym dahil P.E namin ngayon. Sabi ni Sir ay badminton daw ang lalaruin namin ngayon.
Gusto ko ngang magreklamo dahil hindi naman ako magaling dun. Nakakainis lang.
Nang makarating kami sa gym ay nakaupo na sila sa bleachers at nagtitilian. Kingina ang ingay.
Nakarinig ako nang pagdribble ng bola. Kaya naman pala. Nandito ang buong basketball team.
Nakita ko si Sir na kausap ang coach ng team para siguro magpaalam na gagamitin namin kahit saglit ang gym.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
JugendliteraturCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...