Gwyneth POV
Matapos ang kabaliwang pinagsasasabi ng tatlo sa unahan ay bumalik na sila sa table namin.
"Anong pakulo na naman yun mga tukmol?" Tanong sa kanila ni Aizel.
"Wala. Totoo naman yung mga sinabi namin eh." Sagot ni Haines.
Hindi ako umiimik at nakikinig lang sa kanila.
"Nakakahiya kaya. Kahapon pa yang mga pakulo niyo"
"Ikinakahiya mo ba ako honey?" Tanong ni Al kay Aizel.
Ito na naman ang mga walangyang bubuyog.
"Hindi. Pero kasi, alam kong kapag natapos na ang dalawang araw na 'to para sa mga estudyante ay pag-uusap- usapan ang mga ginagawa niyo. Ayaw ko ng atensyon galing sa iba. Alam kong maging si Gwy ay ayaw ng atensyon. Alam niyo naman yun diba?" Paliwanag ni Aizel.
Bingo!
Nasabi na niya ang bumabagabag sa akin kahapon pa. Ayoko ng atensyon.
Paano na pagkatapos nito? Alam kong pagkatapos ng dalawang araw na 'to ay iiwas na naman ako. Pag-uusap-usapan na naman ako,kami.
"Sorry." Sabi naman ni Al.
"Sorry dragon."
"Sorry loves."
"Nah. Ayos lang. Hayaan na lang natin."
Nagsimula nang magpatugtog ng mga masasayang kanta ang DJ. Unti-unting nagiging wild ang mga estudyante sa gitna.
Nagsisimula na silang magsisayaw.
"Hindi ba kayo sasayaw?" Tanong ni Haines.
"Mukha ba kaming party girls?" Tanong ko sa kaniya.
Ngumuso naman ang tukmol at napakamot sa ulo.
"Sabi ko nga dragon eh. Sorry na nga eh."
Tumayo na si Haines at pumunta sa mga kateam niya ng basketball at nakiparty party doon.
"Loves?"
Napatingin naman ako kay Railey na nakaupo lang sa tabi ko.
"Hmm?"
"Pwede tayong mag-usap?"
Kinabahan naman ako bigla sa gusto niya. Tiningnan ko naman ang dalawang bubuyog na nagkukwentuhan.
Ibinaling kung muli ang atensyon ko kay Railey.
"Sige."
"Doon tayo sa labas?"
Tumango ako sa kaniya bago tumayo. Napatingin naman sa amin ang dalawang bubuyog.
Sinenyasan ko naman silang lalabas lang kami. Nakangisi pang tumango ang dalawa. Akala siguro nila ay nagkakamabutihan na kami.
Tahimik lang akong nakasunod kay Railey palabas ng event hall. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Noong makalabas kami sa event hall ay sakto namang may bench doon. Doon kami sa may gilid naupo para hindi masyadong pansin kung may tao mang dumaan.
Naupo siya sa bench at tinapik niya ang upuan sa tabi niya. Naupo naman ako at hindi umiimik.
"Loves."
"Hmm?"
"Thank you."
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa pagpapasalamat niya.
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Roman pour AdolescentsCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...