Gwyneth POV
Dalawang araw na ang nakakalipas noong niyakap ko sa canteen si Railey. Wala noong si Kurt dahil absent ito ng mga araw na yun.
At dahil wala siya noon ay kinulit niya ako sa text at chat na magkwento kung anong nangyari nun. Bwisit nga eh. Para siyang babae na naghahanap ng tsismis.
Kaya ayun at napilitan akong magkwento sa kaniya kahit na tamad na tamad ako nun.
Nagsisisi akong kinuwento ko pa sa kaniya ang nangyari nun dahil ito ngayon ang walangya kong kababata at inaasar ako.
"Babae ka na babe"
"Gago ka ba? Kelan ba ako naging lalaki?"
"Since birth."
"Aba't!"
"Teka! Totoo naman ah. Nung bata pa tayo lagi kang umaakyat sa puno. Para kang unggoy. Akala mo kung sinong siga babae naman siya."
"Mas lalaki pa nga ata ako sayo nun."
"Hindi ah!"
"Talaga ba? Sino ba laging nagtatanggol sayo nun? Ako diba? Patpatin ka kasi."
"Ikaw!"
"Nyenye Kurt."
"Tsk tsk. Ganyan ka na ngayon. Porke ba niyakap mo lang si Railey ganyan ka na."
"Ano ba? Kahapon ka pa ah. Di ka makaget over? Bwisit na to."
"Oh bakit ba? Ngayon lang yun ginawa ng babe ko."
"Babe mo mukha mo. Hindi nga ako baboy."
"Unggoy lang?"
"Tarantado ka talaga."
"Alam mo kasi babe. Hindi naman talaga ako ang hindi makaget over sa nangyari eh. Ayun oh."
Tinuro niya ang tukmol na si Railey na naglalakad palapit sa amin at may dalang paperbag ng 7/11. Malaki ang pagkakangiti na kulang na ay makita ang 24 ngipin niya.
"Good morning loves! Good morning sayo Kurt."
"Good morning din sayo loverboy. Parang nung pagpakilala lang sakin ang sama ng tingin mo sakin dahil tinawag kong babe 'to. Tapos ngayon lawak mo makangiti sakin."
"Ayaw mo ba? Gusto mo ba lagi nakakunot-noo ko pagdating sayo? Pwede naman yun."
"Biro lang naman."
"Lokoloko. Loves oh. Para sayo."
Inabot niya sa akin ang paperbag ng 7/11. Kinuha ko naman yun at tiningnan siya.
"Ano naman 'to?"
"See for yourself."
Inirapan ko siya bago binuksan ang paperbag. Nanlaki ang mata ko dahil tatlong cadbury ang nasa loob nun. May tatlong chuckie din at isang balot ng marshmallows.
"Wow! Sana all! Pahingi nga babe."
Akmang dudukot ng isa si Kurt noong tinapik ko ang kamay niya kaya tumatawang nilayo niya ang kamay niya.
"Thank you Railey."
"Anything for you loves."
"Hindi kaya magkadiabetes yan si babe dahil dyan?"
"Ako tigil-tigilan mo Kurt ha. Kung strategy mo yan para makahingi tigilan mo ako sasapukin kita."
"Pano mo nalaman yun? Nababasa mo ba nasa isip ko? Astig!"

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Fiksi RemajaCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...