Chapter 10

16 4 0
                                        

Railey POV

Mabuti na lang at walang pasok kinaumagahan matapos naming gawin ni HaiHai ang kalokohan sa PE pants ni Castro. Alam kong kahit hindi magtanong si Aizel ay alam niyang kami ang may gawa noon. Hindi ko nga lang alam kung nalaman ba ni loves na kami ang may gawa noon.

Malabo namang magtanong yun sa akin dahil hindi naman ako kinakausap ng maayos noon. Si Haihai naman ay hindi siguro niya pag-iisipan nang ganoon. Para siguro sa kaniya ay hindi yun kayang gawin ni Haihai.

Selos ka naman kay Haines?

Tsk. Bakit naman ako magseselos doon?

Wala akong magawa ngayon dahil wala ngang pasok. Nagpapaikot ikot lang ako sa higaan ko dahil sobrang nabobored na ako.

Pumunta kaya ako sa bahay nila loves? Erase erase. Baka mapatay ako noon kapag pumunta ako sa bahay nila.

Naisip ko namang maggala na lang sa mall. Siguro ay bibili na lang ako ng kung anong mapagtripan kong bilhin.

Dahil sa naisip ay agad akong tumayo at pumasok sa cr. Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng gray shirt at ripped jeans. Sinuot ko ang relo ko at rubber shoes bago kinuha ang cellphone at wallet ko. Nang makababa ako sa sala ay nakita ko si mama na nakaupo at nanonood ng tv.

"Ma."

"Oh nak. San ka pupunta?"

"Sa mall lang po. Nabobored na ako sa kwarto. Para na akong mababaliw doon Ma. Papayag ka ba noon? Mababaliw ang nag-iisang gwapo mong anak?"

"Hay nako. O siya sige. Umalis ka na."

"Wala ba kayong ipapasabay na bilhin Ma?"

"Ay oo nga pala. Bumili ka ng yakult at sabon na mabango."

"Ubos na po ang stock ko ng yakult? Di ba marami pa yun?"

"Wala na Nak. Pumunta dito yung pinsan mo kasama yung anak niya. Kaya ayun. Binigyan ko ng yakult."

"Sige po bibili ako."

"O siya. Ingat."

Naglakad na ako palabas. Nilakad ko lang papunta sa sakayan ng jeep. Agad akong nakasakay ng jeep dahil madami namang dumadaang jeep papunta sa mall.

Nang makarating sa may mall ay agad akong nagpara at bumaba. Habang naglalakad papasok sa mall ay tumunog ang cellphone kong hawak ko.

Nakita ko naman ang pangalan ni Haihai sa caller Id. Ano naman kayang kailangan ng isang to?

"Hello?"

"Wassup Rai."

"Anong kailangan mo?"

"Nasan ka?"

"Mall"

"Favor Rairai."

"Ayoko"

"Sige na naman."

"Tsk. Pasalamat ka. Ano ba yun?"

"Ang rupok mo talaga sakin fafa rai."

"Tigilan mo ko Haines."

"Bili mo naman ako ng knee pad."

"Madami ka nun ah."

"Nawala HAHAHA basta ibili mo muna ako. Babayaran kita. Kulay black ha?"

"Oo na. Ibibili kita pero ililibre mo ako ng lunch."

"Mukhang libre amp. Siya sige na. Basta huwag mong kalimutan ha. Thank you fafa rai"

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon