Gwyneth POV
Maaga akong nagising kinabukasan dahil araw ng Linggo. Magsisimba kami nila Mama. Nagsuot lang ako ng pantalon at white printed shirt. Sinuot ko ang black rubber shoes ko bago kinuha ang cellphone at panyo ko.
Nang makababa ako sa sala ay nakita kong nakaayos na rin sila mama.
"Tara na po."
"Mabuti pa nga. At baka mahuli pa tayo sa misa."
Nilock ko ang pinto dahil ako ang huling lumabas. Ako na rin ang naglock ng gate. May nakaabang ng tricycle sa harap ng gate namin nang matapos kong ilock ang gate.
Sumakay ako sa may katabi ng driver. Hinayaan ko na sa loob sila mama at papa. Mabilis lang kaming nakarating sa simbahan dahil malapit lang naman ito.
Magsisimula na rin ang misa noong makarating kami. Sa may hulihan na kami naupo dahil puno na sa unahan. Nang magsisimula na ang misa ay biglang may tumabi sa akin. Nasa dulo kasi si papa at ang katabi niya si mama. Ako naman ang katabi ni mama kaya ako ang nasa kabilang dulo at pwede pang may maupong isa.
Hindi ko na nilingon ang tumabi sa akin dahil nagsimula na ang misa. Nakikinig lang ako sa unahan at hindi lumilingon sa kung saan saan.
Nang magbabatian na nang peace be with you ay una akong lumingon kila mama.
"Peace be with you Ma,Pa."
Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Peace be with you."
Sabi ko naman sa katabi ko sa kaliwa. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya o kung sino siya dahil yumukod lang ako at bumati.
"Peace be with you too,Loves."
Nanlaki naman ang mata ko sa narinig at dahan dahang nilingon ang nagsalita. Napaawang naman ang labi ko dahil nakita ko ang tukmol sa tabi ko at nakangiti pa sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Nagsisimba loves."
"Pilosopo."
Hindi ko na siya pinansin pa at nakinig na lang sa pari. Buong misa ay hindi na ako nagtangkang lumingon pa sa gawi niya. Baka kung ano pang masabi kong kagaguhan. Nasa simbahan pa man din kami.
Halos mauna akong lumabas noong natapos ang misa. Hinintay ko na lang sa labas ng simbahan sila mama. Napakunot naman ang noo ko nang lumabas sila ni papa at kausap ang tukmol. Walangya.
"Anak, nandito pala itong si Railey."
"Hmm."
Tiningnan ko naman ang mukha ng tukmol at ang lawak ng pagkakangiti nito.
"Anong pinagdasal mo loves?" Nakangiting tanong nito sa akin.
"Pinagdasal kong sana tigilan mo na ako. Na sana tumahimik na ang buhay ko."
Nakita ko kung paano nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.
"Anak."
Narinig ko ang warning sa pagsasalita ni papa. Pero hindi ko ito pinansin. Totoo naman. Gusto ko na talagang tumigil ang isang to sa pambubwisit sakin.
Napatingin kami nila papa sa tukmol nang marinig namin ang pagtawa nito. Alam kong peke ang tawang pinapakita niya sa amin ngayon.
"Haha ha haha. Yun ba ang pinagdasal mo loves? Alam mo bang ang pinagdasal ko ay matupad kung anuman ang pinagdasal at hiniling mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/230608407-288-k284660.jpg)
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...