Chapter 37

18 1 0
                                        

Gwyneth's POV

Isang malakas na tunog mula sa alarm clock ang gumising sa akin. Agad akong bumangon at pinatay ang alarm. Alas singko pa lang ng umaga. Pumasok ako sa cr at naghilamos lang ng mukha bago nagsuklay ng buhok. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa kusina suot ang pajamas ko.

Tahimik na kusina at sala ang bumungad sa akin noong makababa ako. Mukhang mamaya pa naman magigising si Kuya. Kahit naninibago pa ay nagsimula na akong tumingin ng kung anong pwedeng lutuin para sa agahan. Tanging ham at itlog ang laman ng ref. Hindi pa siguro nakakapaggrocery si Kuya.

Nagkibit balikat na lang ako at kinuha iyon bago nagsimulang magluto. Bago magprito ng ulam ay nagsaing muna ako ng kanin sa rice cooker doon. Niluto ko na rin ang ulam para hihintayin na lang maluto ang kanin kung sakali.

Inihain ko sa mesa ang nalutong itlog at ham. Nag-init ako ng tubig sa electric kettle na nandoon bago hinintay itong uminit at matapos maluto ang sinaing. Sakto namang naluto ang kanin ay narinig ko ang yabag ni Kuya na pababa sa hagdan.

Kumuha na ako ng pagkakainan naming dalawa bago naghanda ng titimplahing kape. Naupo muna ako sa upuan doon dahil hindi pa kumukulo ang tubig.

"Wow. Such a wonderful sight in the morning. My sister is cooking while waiting for me to wake up. Good morning Dragon."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kuya.

"Good morning Kuya. Sobra ka naman atang manibago sa nadatnan mo dito."

Naupo siya sa tapat ko habang sinusuklay ang may kahabaan na niyang buhok gamit ang kaniyang mga kamay.

"Well, ilang taon din akong mag-isa dito kaya naman nasanay akong bumababa dito at walang nadadatnan na kung sino man. Pero ngayon, ikaw ang nadadatnan ko at ang saya sa pakiramdam nun. Akalain mong may sweet side pala ang dragon."

Inambahan ko siya na babatukan kaya natawa siya sa akin at bahagyang umusog para umiwas.

" Ang aga-aga ang lakas mong mang-asar. Dapat pala hindi na ako nagluto. "

"Biro lang naman. Isa pa, huwag mo nang ipagkait sa'kin 'to. Ngayon na nga lang ulit ako nakaranas ng ganito tapos ang pikon mo pa."

Tumayo na ako at tinanggal sa saksak ang kettle.

"Kanina lang nang-aasar ka Kuya tapos bigla kang magdadrama."

"Ikaw eh."

"Hmm. Purong kape? O may creamer?"

"Naks. May sweet side pala talaga ang isang dragon. Akalain mong ipagtitimpla pa ako ng kape."

Nilapag ko ang baso at humarap sa kaniya.

"At ang dragon na tinutukoy mo ay nainis kaya hindi ka na ipagtitimpla ng kape."

Natatawang tumayo siya at niyakap ako.

"Nagbibiro lang naman ako bunso. Nagagalit ka agad."

"Tinatanong kasi kita ng maayos Kuya diba? Pwede ka namang sumagot ng maayos ah."

Isang buntong hininga ang narinig ko mula sa kaniya.

"Sorry. Maupo ka na doon,ako na bahalang magtimpla ng kape natin at ako na rin ang kukuha ng kanin. May creamer ba ang kape mo o puro?"

Naglakad na ako pabalik sa inuupuan ko kanina at naupo bago sumagot sa kaniya.

"Akalain mong may sweet side pala ang Kuya ko? Ipagtitimpla pa ako ng kape." panggagaya ko sa sinabi niya kanina.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon