Gwyneth POV
Dahil sa ginawa kong pagsapak sa pagmumukha ni Castro kanina ay sinabihan ako ng guidance namin na kailangan pumunta ni mama sa school. Feeling ko nga ay disappointed ang guidance counselor namin sa akin dahil DL pa naman ako. Tsk. Alamin na muna sana niya ang buong nangyari.
"Baka magalit si Tita sayo girl."
"Hindi naman siguro. Magpapaliwanag naman ako kay mama."
"Basta nandito lang ako. Nakita ko naman yung buong nangyari. Ready akong maging witness."
"Nga pala,may itatanong ako sayo."
"Ano naman? Huwag tungkol sa math at english ha? alam mo naman gurl, mahina akes dyan."
Hindi ko siya pinansin at kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko. Nandito naman kami sa library kaya hindi maingay. Actually last subject namin ngayon pero wala kaming teacher. Malay ko ba sa mga yun. Halos wala na nga kaming klase buong araw. Rh di sana hindi na nila kami pinapasok.
Pinakita ko naman sa kaniya ang picture ng bulaklak na nakita ko sa locker ko kaninang umaga.
"Oh. Ano naman yan?"
"Anong bulaklak yan?"
"Ito? Wait patingin nga."
Kinuha naman niya ang cellphone ko at halos idikit ang mata niya sa screen habang inaalam kung anong bulaklak yun.
"Ah! Naalala ko na kung anong bulaklak to!"
"Hmm?"
"Red Chrysanthemum."
Kinuha ko naman sa kaniya ang cellphone ko at tinago na iyon.
"Teka,bakit ba tinatanong mo? Para saan ba yun?"
"Wala."
"Teka, galing ba yun kay Railey? Nakita mo sa locker mo kanina?"
Napabuntong hininga na lang ako bago tumango. Alam ko namang hindi ako makakatakas sa isang to.
"May note ba?"
"Hmm."
"Anong nakalagay? Patingin nga."
"Nasa locker."
"Ano ba yan. Natatandaan mo ba?"
"Hmm."
"O sige anong nakalagay?"
Nakita kong kumuha siya ng isang pirasong papel at ballpen.
"Para saan naman yan?"
"Isusulat ko yung sasabihin mo. Baka mamaya code yan o kaya kailangan namang hulaan."
"Ca-B H-Al-P"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan?"
"Yun yung nakalagay sa note."
"Ulitin mo nga."
"Ca-B H-Al-P"
Nakasulat na ang sinabi ko sa papel na kinuha niya kanina. Tinititigan niya iyon na akala mo ay biglang lilitaw kung ano man ang ibig sabihin nun. Baliw talaga amp.
"Hindi ba at nasa table of elements to? Mga symbol to diba?"
"Hmmm."
"Ang talino naman ata niya sa Science at ganito pa ang note niya. Tsk."
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Roman pour AdolescentsCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...