Loveeeeessss!Sa tuwing naririnig ko ang sigaw na yan ay isang tao lang ang sumasagi sa isip ko. Yun ay si Railey Romero. Ang lalaking makulit at hindi ako tinitigilan.
Aaminin ko namang masungit ako sa kanya. Pero ewan ko ba sa lalaking ito at hindi ata tinatablan ng kasungitan ko. Biruin mong nangiti pa habang sinusungitan ko.
Araw-araw nasa tapat siya ng classroom ko at naghihintay sa paglabas ko. Lagi ko siyang tinatakasan. Minsan successful, pero kadalasan hindi ako makatakas sa kanya.
Kahit kasi pinagkakaguluhan ng mga babae ang isang yun ay hindi ako makatakas sa paningin niya.
Sa araw araw na pangungulit niya at pambibwisit sa akin, hindi ko alam kung bakit sa pagtagal ay lumalambot ang puso kong bato.
Nangako ako sa sarili kong hindi ko siya magugustuhan. Hinding hindi ako mahuhulog sa isang katulad niya. Malay ko ba kung palabas lang lahat ng pinapakita niya.
Talaga bang mapipigilan ko ang sarili kong hindi mahulog sa isang katulad niya? Kung sa bawat pagkakasalubong naming dalawa ay nakikita ko ang mga ngiti niyang umaabot hanggang sa kaniyang mata.
Hindi ba siya nagsasawa sa pag-iwas ko? Na sa tuwing nandiyan siya at lumalapit sa akin ay ako naman itong umiiwas sa kanya.
Deserve ko ba talaga ang isang katulad niya? Masusuklian ko ba ang pagmamahal na binibigay niya sa akin?
-------------------------------------
Pamessage ni author:
Update ko ito kapag tapos ko na yung Chasing Her.
Oh! Hakdogen HAHAHA wassup readers! Ready na ba kayo para kila Railey at Gwyneth? HAHAHA
Ready na ba kayo sa kabaliwan ko? charot!
Don't forget to vote and comment💜
And ow! Just enjoy reading the story. Hope you like it.
Mwah!

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...