Gwyneth POV
Dahil sa nangyari sa canteen noong nakaraan ay napagdesisyunan kong iwasan na ulit si Romero. Hindi ba't ganun naman ako dati? Na sa tuwing hinihintay niya ako sa labas ng classroom namin ay tumatakas ako.
At ito ako ngayon. Dahan-dahang naglalakad papunta sa classroom namin.
Nakahinga ako ng maluwag noong hindi ko siya nakasalubong o nakita man lang. Agad akong naupo sa pwesto ko at dumukmo doon.
Ganoon lang ang pwesto ko hanggang sa magsipasukan na ang ibang kaklase namin. Hindi ko sila pinapansin at nakadukmo lang ako doon.
Napaangat ako ng tingin noong naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nakita ko si Aizel na may hawak na chuckie.
"Ang aga mo bruha."
"Hmm."
"Teka, anong nangyari sayo? May sakit ka ba?"
Hinawakan niya naman ang noo at leeg ko para tingnan kung may lagnat ako.
"Wala."
"Bat ang tamlay mo gaga ka?"
Sasabihin ko ba? Bahala na.
"Aizel, tama ba ang gagawin ko?"
"Ano? Bakit? Anong nangyari? Ano bang sinasabi mo?"
"Iiwasan ko siya."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Ano?!"
"Iiwasan ko siya."
"Dahil ba yan sa nangyari sa canteen?"
"Hmm."
"Bakit ka iiwas?"
"Ayokong umasa yung tao. Mabait si Railey. Kaya nga yun ang sinabi ko sa kaniya diba? Na hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kong kapag ipinagpatuloy ko pa 'to, masasaktan lang siya dahil sa akin."
Lumamlam ang mata niya at lumapit para yakapin ako.
"Naiintindihan kita."
Hindi na ako umimik pa dahil hahaba lang ang usapan.
Alam kong masasaktan si Railey kung iiwas ako sa kanya. Pero mas masasaktan siya kung pakikisamahan ko siya na para bang pumapayag akong ligawan niya ako.
Buong klase namin ay hindi ako mapakali. Lalo na noong tumunog ang bell hudyat na breaktime namin.
Nakita kong nasa labas na ang tatlong lalaki at naghihintay sa amin. Tiningnan ko si Aizel at tumango siya sa akin.
Nauna na siyang lumabas at nakisabay sa mga babaeng nakakumpol sa tatlo. Habang ako naman ay sa kabilang pinto dumaan at mabilis na naglakad paalis doon.
Siguro naman ay walang nakakita sa akin sa tatlo. Agad akong pumunta sa locker area para ibalik ang librong tapos ko nang gamitin at kunin ang panibago.
Nang maisara ko ang pinto ng locker ko ay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad ko yung kinuha at nakita ang text ni Aizel.
From: AizelBruha
Nasaan ka? Papunta kami sa locker area.
Nanlaki ang mata ko sa nakita at agad umalis sa locker area. Tumakbo ako papunta sa hagdan. Dumaan ako sa kabilang way para hindi ko sila makasalubong.
Dahil matagal pa naman bago magtime ay pumunta muna ako sa rooftop. Alam kong magtataka yung tatlo kung bakit hindi ako kasama ni Aizel.
Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa railings sa rooftop. Napaupo ako sa isang upuan doon.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Novela JuvenilCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...