Chapter 30

18 1 0
                                        

Gwyneth POV

Sabado ngayon at walang pasok. Obviously. Dahil alam naming may pasok ngayon sa cafe si Railey ay ngayon namin napagdesisyunang gumawa ng mga kailangan para sa surprise.

At dahil ako naman ang nagpatulong ay sa bahay namin kami gagawa. Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Tinuyo ko ang buhok noong matapos maligo. Nagsuot lang ako ng shirt at jogging pants para mas komportable ako.

Noong bumaba ako sa sala ay nagliligpit si mama ng mga ginamit niya sa paggupit. Yun yung tinapos namin kagabi pero hindi na kami nakapagligpit dahil late na rin.

"Mama, tulungan ko na po kayo."

"Ako na nak."

"Tulungan ko na po kayo. Kung pwede nga po ay maupo na lang kayo at ako na lang ang mag-aayos dito."

"Ay nako ka talagang bata ka."

Tinawanan ko lang siya at tinapos na ang kailangang ligpitin. Noong matapos ako ay naupo ako sa tabi ni mama.

"Mama, pupunta po ang mga kaibigan ko ngayon dito."

"Talaga? Anong gagawin niyo? May gagawin ba kayong project?"

"Wala pong project Mama. Birthday po kasi ni Railey sa 20. Alam niyo na."

"Ah okay gets ko naman nak. Mabuti pa at doon na ako sa kusina. Magluluto muna ako ng agahan. Nagugutom na rin ako."

"Tutulong ako mama."

"Bahala ka nga."

Tumatawa kaming pumasok sa kusina ni Mama. Magluluto raw siya ng sopas para sa umagahan. Madami nga ang niluto niya para makakain din sila Aizel.

Speaking of those bitches, bakit ang tatagal nila?

Nalaman ata ni Aizel na nagrereklamo at ito na tumatawag na ang bruha.

"Hello?"

"Malapit na kami."

"Oo sige."

Tinulungan ko si mama na magluto. Noong malapit ng maluto ay saka lang dumating ang mga gunggong. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Aizel galing sa labas kahit na nasa kusina kami ni mama.

"Nandiyan na ata sila."

"Obviously Ma. Nangingibabaw na naman ang boses ng bruha."

"Puntahan mo na sila dun."

Agad ko namang pinuntahan sa labas ang mga gunggong. Kompleto na sila doon sa labas.

Para silang tanga na naghihintay sa labas kung sanay namang maglabas masok dito sa bahay sila Kurt at Aizel.

"Bakit hindi pa kayo pumasok?"

"Syempre hinintay naming labasin mo kami dito dragon. Nakakahiya naman kung basta na lang kaming papasok."

"Baliw ka ba Haines? May permiso galing sa mga magulang ko sila Aizel at Kurt na maglabas-masok sa bahay namin."

"Ano?"

Tiningnan ni Haines ng masama ang dalawang nabanggit ko. Ayun ang dalawa at walang pakialam kay Haines.

"Seryoso kayong dalawa? Tapos gusto niyo matagal tayong nakatayo dito? Sapukin ko kayo eh."

Tinawanan lang siya nila Aizel.

"Pumasok na nga kayo."

Nauna sa pagpasok si Haines na nakabusangot pa. Baliw talaga.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon