Gwyneth's POV
Nakaharap ako sa salamin at suot ang isang puting dress na abot hanggang sa tuhod ang haba. Tinernuhan ko ito ng isang itim na sandals na may 2inches na takong. Ngayon lang siguro ako nagsuot ng ganito.
Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatingin pa rin sa repleksyon ko sa salamin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa sarili. Ang dating malamig na mga titig at mukha ay umaliwas na. Akalain mong magbabago pa pala ang takbo ng buhay ko sa paglipas ng mga araw.
Napailing na lang ako sa sarili ko dahil kung ano-anong kadramahan ang naiisip ko. Kinuha ko na ang wallet at cellphone ko sa kama bago naglakad palabas ng kwarto.
Naabutan ko si Kuya at si Rai sa sala. Si Kuya na nakasuot ng polong kulay baby blue, maong pants at puting sapatos. Si Rai naman ay nakasuot ng itim na polo at nakatupi hanggang siko ang manggas, maong na pants at puting sapatos. Nag-uusap lang sila at sabay na napatingin sa gawi ko noong marinig ang yabag ko.
"Ayan na pala eh." sabi ni Kuya na nakangiting nakatingin sa akin.
Nakatitig naman sa akin si Railey. Tila ba tinutunaw ako ng mga titig niya. Kung hindi ko pa siya nginitian ay hindi pa ata kukurap.
"Ang ganda mo loves." iyon kaagad ang sinabi niya matapos ang matagal na pagtitig sa akin.
"Bolero. Ngayon mo lang naman kasi ako nakitang nagsuot nito kaya bago lang sa paningin mo."
"Oo nga ngayon lang. Pero maganda ka pa rin naman."
Inirapan ko na lang siya na ikinangiti niya. Baliw talaga ang isang 'to.
"Mamaya na kayo maglambingang dalawa. Mabuti pa, halika na at pumunta sa restaurant. Baka biglang magbago ang isip ni Kurtong at pagbayarin tayo ng kaniya-kaniyang dinner."
Natawa na lang kami ni Rai kay Kuya. Kahit kailan talaga ayaw niyang makatakas sa libre. Ayaw niyang gumastos.
Hawak ang kamay kong naglakad kami ni Rai palabas ng bahay. Nasa labas na ng gate ang sasakyan namin at si Kuya ata ang magdadrive. Nilock ko ang pinto bago sumunod sa kanila.
Sumakay sa driver's seat si Kuya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Rai sa likod. Akmang tatabi siya sa akin ng sawayin siya ni Kuya.
"Hoy Rairai dito ka sa passenger seat. Gagawin niyo pa akong driver. Sa gwapo kong 'to gagawin niyo akong driver. Tsk. Maglalampungan lang naman kayo dyan sa likod at iinggitin ako." nakabusangot na sabi niya.
Sa halip na mainis ay natawa na lang kami sa kaniya. Isinara naman ni Rai ang pinto sa banda ko bago sumakay sa passenger seat. Agad na pinaandar ni Kuya ang sasakyan noong makasakay si Rai.
Mabilis lang kaming nakarating sa restaurant kung saan kami magdidinner na magkakaibigan. Pagpasok namin ay nandoon na si Kurtong kasama si Algeom at Aizel. Kami na lang pala ang hinihintay.
Nakita ko ang laglag-pangang tingin sa akin ng tatlo. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nakadress? Para silang mga tanga na hindi kumukurap at nakatingin sa akin.
Nabigla naman kaming tatlo noong tumayo si Algeom at lumapit sa akin. Sinundot niya ang pisngi ko at umikot sa likuran ko pabalik sa harapan ko. Baliw.
"Ano bang ginagawa mo Algeom?" tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ba talaga yan Gwy? Teka lang, baka ilusyon ka lang namin nila Kurt."
Gusto kong matawa sa reaksiyon niya. Hindi na naman ako magtataka kung bakit ganito ang reaksyon niya. Hindi naman kasi talaga ako nagsusuot ng dress. Lagi lang akong nakat-shirt at pants.
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Fiksi RemajaCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...