Chapter 2

32 4 0
                                    

Gwyneth POV

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok sa school. Simula kasi noong first year ako ay nakasanayan ko nang maagang pumapasok at naglalaro mag-isa ng basketball sa gym ng school.

Wala namang nakakakita sa akin dahil wala ring nagagawing estudyante doon kapag maaga pa. At kung meron man ay kaunti lang yun.

Halos isang oras din akong naglaro ng basketball mag-isa. Hanggang sa mapagod ako at mapagdesisyonang magpalit ng damit. Kinuha ko naman ang extra shirt ko sa bag bago naglakad papasok ng cr.

Matapos kong magpalit ng shirt ay naglakad na ako papunta sa may locker ko. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na rin ang unang klase ko.

Habang naglalakad papunta sa may locker area ay nakasalubong ko si Aizel.

"Sup bitch. Ang aga ah."

"Naglaro lang."

"Kaya pala. Tara na sa locker. Magsisimula na rin ang klase natin after 10 minutes."

Tumango na lang ako habang naglalakad papunta sa locker area. Bago makalapit sa may locker area ay nakita ko ang tukmol na galing sa may cr malapit sa locker area.

Nagkunwari akong hindi siya nakita at lumapit sa may locker ko. Bubuksan ko na sana ang locker ko nang marinig kong magsalita ang tukmol.

"Good morning loves!"

Napairap na lang ako dahil ang aga niyang mambwisit.

"Walang good sa morning kung ikaw lang din ang makikita ko."

Napatawa naman si Aizel sa sinabi ko habang itong tukmol naman ay napanguso.

"Gwapo naman ako ah."

"Pakialam ko naman kung gwapo ka? Punta ka doon sa basurahan. Hanapin mo yung pake ko."

Nakapout pa rin siya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin pa dahil baka malate lang kami sa kaniya. Kinuha ko ang librong kailangan kong gamitin bago sinarang muli ang locker ko. Napangiwi naman ako nang makitang nakapout pa rin si kumag nang humarap  ako.

"Bakit ka ba nakapout dyan? Pato ka ba? Para kang pato. Alis dyan."

Hinawi ko naman ng kamay ko ang katawan niya bago dumaan at sinenyasan si Aizel na akyat na kami sa room.

"Pasensya ka Railey. Binuwisit mo agad eh. Ang aga aga."

Natatawang sigaw ni Aizel kay tukmol habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. Hindi ko na narinig kung sumagot ba o hindi ang tukmol.

Wala pa naman ang teacher namin sa first subject nang makarating kami sa tapat ng classroom. Maingay pa nga ang mga kaklase ko. Naglakad na ako papasok at naupo sa pwesto ko.

"Gwyneth,nagawa mo assignment natin sa Math?" tanong sa akin ni Aizel na nakatutok ang mata sa notebook niya.

"Hmm. Oh."

Inabot ko naman sa kaniya ang notebook ko sa math. Alam ko namang nanood na naman ng k-drama ang isang to kaya hindi nagawa ang assignment namin sa math.

Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko dahil wala pa naman ang teacher namin. Isinandal ko ang likod ko sa upuan at pinikit ang mga mata ko.

Hindi pa ako nagtatagal sa ganong posisyon nang may kumalabit sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Aizel na tinuturo ang unahan. Agad ko namang tinanggal ang earphones ko dahil papasok na pala ang teacher namin.

Binalik naman sa akin ni Aizel ang notebook ko. Nilagay ko ito sa bag ko at nakinig na sa unahan.

Wala namang ibang nangyari sa dalawang klaseng lumipas dahil lahat ng yun ay nagdiscuss lang at nagpasulat.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon