Gwyneth POV
November na pala. Ramdam na ang lamig sa paligid. Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula noong magsimulang manligaw si Railey sa akin.
7 days before Railey's birthday. Halos araw-araw ay hindi siya pumalya sa pagpapasaya at pagpapakilig sa akin.
I was planning to have a birthday surprise for him. But I couldn't do it by myself only. So maybe later I ask our friends for help. I want to make him happy on that day.
Hindi niya ako sinundo ngayon dahil may inuutos pa raw sa kaniya ang mama niya.
Matapos kong iparada ang bike ko ay naglakad na ako papasok sa loob ng school. Sana naman ay nandyan na sila Aizel.
Habang naglalakad papunta sa classroom namin ay nakita ko si Haines na galing sa gym. Itong gunggong na 'to alam ko wala silang practice ngayon. Paniguradong sumilip na naman 'to sa spikey niya.
"Hoy!"
Sigaw ko sa kaniya noong nasa may likuran na niya ako.
Halos mapatalon sa gulat ang tukmol. Ayan, nakaw tingin pa sa spikey mo. Torpe kase eh.
"Dragon naman! Huwag kang maingay. Baka mahuli ako dito ni Spikey."
"Gago ka ba? Talagang mahuhuli ka dyan. Halos matulala ka na nga habang pinapanood si Spikey mo eh."
"Hay nako. Tara na nga. Umakyat na tayo dun. Baka may makakita pa sakin."
Inakay na niya ako papunta sa taas sa may classroom. Naalala ko naman na kailangan ko nga pala ng tulong nila para sa surprise ko kay Railey.
"Ah. Haines."
"Hmm?"
"Pwede naman siguro akong humingi ng tulong sa inyo diba?"
"Tulong? Para saan?"
"Sa birthday ni Railey. Gusto ko lang sana siyang isurprise sa birthday niya."
"Woah! Legit? Totoo?"
"Oo nga. Hindi ba kapani-paniwala kapag galing sakin?" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Nagulat lang naman dragon. Masyadong mainit ang ulo mo. Meron ka ba ngayon?"
"Huwag na nga. Kainis to."
"Joke lang naman. Syempre tutulong ako. Para san pa na kaibigan ko si Railey diba? Tapos bestfriend pa kita."
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Salamat."
"Anong plano?"
"Mamaya. Sasabihin ko sa inyo. Hintayin muna natin sila Al."
"Alright."
Noong nasa may tapat na kami ng classroom namin ay sakto namang dumating sila Al at Aizel. Kasabay nilang dumating si Kurt.
"Ang aga niyo namang dalawa."
"Huwag ka ng maingay dyan Aizel. May sasabihin si Dragon."
"Spill."
"Kailangan ko ang tulong niyo sa birthday ni Railey."
"Woah."
Sari-sariling reaksyon sila sa sinabi ko. Talaga bang kagulat gulat ang sinabi ko?
Mga bwisit na 'to.
"Anong plano?"
Nagkumpol-kumpol naman kami at sinabi ko sa kanila ang plano ko. Matapos kong sabihin sa kanila ang gagawin ay nakita ko ang malawak na ngiti sa mga labi nila.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...