Chapter 1

70 7 1
                                        

Gwyneth POV

"Kyaaaahh!" Rinig kong sigawan sa hallway.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni Sir Cruz dahil sa sigawan sa labas ng classroom namin.

"Pst! Bes, nasa labas na ang bebe mo."sabi sa akin ni Aizel.

Inirapan ko naman siya dahil ang lawak na naman ng ngisi niya sa akin.

"Bebe your face. Kelan pa ako nagkaalaga ng pato?" Iritadong tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang paghagikhik niya sa sinabi ko.

"Tingnan mo, andaming tumitingin sa kanya."

"Shut up. Ang ingay mo."

Tumingin na lang ako ulit sa harapan para makinig sa sinasabi ni Sir Cruz. Naaawa nga ako sa kaniya dahil daldal siya ng daldal sa unahan pero kaunti lang kaming nakikinig sa kaniya. Paani ba naman ay karamihan sa mga kaklase ko ay nakatuon ang atensiyon sa labas kung nasaan SIYA. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa labas.

"Class dismissed. And Ms. Ortega,nandiyan na sa labas ang bebe mo."

Napairap naman ako dahil sa sinabi ni Sir Cruz. Kailangan bang araw-araw  ay sasabihin niya ang bagay na yun?

Nagpapaunahan sa paglabas ang mga kaklase ko at nagpahuli naman kami ni Aizel.

Nang makita kong napapaligiran na nang babae ang tukmol na nasa labas ay nagpaalam na ako kay Aizel.

"Una na ako."

"Tatakasan mo na naman?"

"Ano pa bang bago?"

Tumango na lang siya at naglakad palabas sa pinto kung nasaan ang kumag. Habang ako naman ay sa kabilang pinto dumaan.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis na makaalis at matakbuhan ang tukmol. Nakita kong tinitingnan pa ako ng ibang estudyante dahil sa pagtakbo ko.

Hinihingal akong tumigil sa labas ng gate ng school. Dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school ay naglalakad lang ako papasok at pauwi.

Nagsimula na akong maglakad pauwi nang matanggal ang hingal ko. Patingin-tingin ako sa likod ko dahil baka masundan ako ng tukmol.

Ewan ko ba sa isang yun. Dati naman ay hindi naghahabol at naghihintay sa akin yun. Nagsimula lang yun noong naglaro ako ng basketball dahil yun ang PE namin.

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng uniform ko. Inis ko itong kinuha at napataas ang kilay nang makitang si Aizel ang tumatawag.

"Oh?"

"Nakauwi ka na ba?"

"Hindi. Ano bang akala mo sakin the flash para makarating agad sa bahay namin?"

"Eh kasi ho, nawala bigla dito yung tinatakasan mo."

"Ano?!"

"Oo nga! Noong mapansin niyang lumabas ako ay tinanong ako kung nasaan ka. Sabi ko naman hindi ko alam. Tapos biglang tumakbo  nasundan ka ba?"

"Ewan ko."

Nakita ko namang tinitingnan ako ng mga tao. At pagkatapos ay tumitingin sa may likod ko. Tiningnan ko naman kung anong tinitingnan nila pero wala namana kong nakita.

Hindi kaya nasundan ako ng tukmol? Bumilis ang paglalakad ko. Nang makita ko ang gate ng bahay namin ay halos takbuhin ko ito.

Dahil hindi naman kita ang loob namin kapag sinara ang gate ay sumilip ako sa may peep hole. Nagulat ako nang makita ang tukmol sa harap ng bahay namin.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon