Chapter 38

18 1 0
                                    

Gwyneth's POV

Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ko naging kapatid si Kuya Haines dahil sa narinig nila kanina sa sagutan namin ni Castro. Isa lang naman ang sinasagot ko sa kanila,'pareho kami ng nanay at tatay.'

Kahit noong breaktime ay maraming nagtatanong sa akin habang papunta kami sa canteen nila Rai. Hindi ko sila pinapansin dahil naiirita na ako sa paulit-ulit nilang tanong. Mabuti na lang at sinagot na ni Kuya ang mga tanong nila bago pinaalis ang mga ito.

Kaya naman matapos sagutin ni Kuya ang mga tanong nila ay hindi na sila nagtanong at nanggulo sa akin. Baka hindi pa ako makapagpigil at pagsasapukin ko sila isa-isa.

"Sis tara na. Nasa labas na sila Al."

Inayos ko na ang gamit ko bago sumunod kay Aizel palabas ng classroom. Naghihintay sa labas ang apat na ugok paglabas namin.

Kinuha ni Rai sa akin ang bag ko at binigay ko naman yun. Sanay na naman ako sa gawain niyang yan. Para ngang ayaw na niyang ipadala sa akin ang bag ko.

"Hindi na kita ihahatid loves. Dala pala ni Haihai ang sasakyan niyo. Isa pa, nakabike lang ako."

Nahuhuli kaming dalawa sa paglalakad palabas ng school. Yung apat naman ay nauuna sa amin at nagtatawanan.

"Ayos lang naman Rai.  Hindi mo naman ako kailangang ihatid palagi. Tsaka, pupunta kami sa grocery ngayon ni Kuya."

"Ganun ba? Magtext ka sa akin kapag nakauwi na kayo okay?"

"Hmm. Halos lagi ko namang ginagawa yun kapag hindi mo ako nahahatid diba?"

Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kamay niya at umakbay sa akin.

"Kamusta naman sa bahay niyo? Hindi ka naman siguro masyadong naninibago sa pagtira mo doon diba?"

"Hindi naman,medyo lang. Masasanay din ako."

"Nga pala loves, huwag kang masyadong bumili ng chocolates ngayon paggrocery niyo. Baka sumakit ang ngipin mo sa takaw mo sa chocolate."

"Matakaw? Hindi naman ah."

Nagkunwari siyang nag-iisip kaya pinalo ko ang kamay niya. Tumawa pa siya bago sumagot sa akin.

"O sige kunwari hindi ka matakaw."

"Aba't."

Bago ko pa man masabunutan ang kolokoy ay nakatakbo na ito papunta sa mga kasama namin. Ayun at nakatago na sa likod ni Al.

"Hulihin niyo nga yan. Kukutusan ko isa lang."

Umiling sa kanila si Rai kaya tumingin sila sa akin at umiling. Tinaaan ko sila ng kilay kaya kaniya-kaniyang iwas ng tingin ang mga galunggong.

"Kukutos lang ng isa eh. Tingin niyo kayo pepektusan ko."

Agad tumakbo palayo sa kanila si Rai dahil sabay-sabay pa silang tumingin kay Rai. Kaya ang kinalabasan ay paikot-ikot sila sa sasakyan namin habang hinuhuli si Rai. Si kuya naman ay nandoon lang at nakatayo sa harap ng sasakyan. Napailing na lang siya bago pinatigil ang mga galunggong.

"Nah. Tama na yan. Aalis na kami ni Dragon. Mag-go-grocery pa kami ngayon, wala na kaming lulutuin mamaya."

Nagsitigil naman sila sa paghahabulan at hinihingal na tumayo rin sa may tapat namin.

"Kailan ka pa naging runner Rai? Ang bilis mong tumakbo ngayon buset ka," hinihingal na sabi ni Al.

"Sadyang matanda ka na Al kaya hindi mo na ako mahabol. Umaatake na ba ang rayuma mo?" natatawang pang-aasar niya kay Al.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon