Railey POV
Dahil wala pa ring pasok ngayon ay nag-isip na lang ako kung pano ko maibibigay ang mga libro kay loves na hindi niya nalalaman na sa akin nanggaling ang mga yun.
Ipabigay ko na lang kay Aizel? Pero magtataka naman siya. Magpatulong kaya ako kay Aizel? Hindi hindi. Baka kasama niya si loves. Kay Haihai na lang ako magpapatulong.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Haihai.
"Hmm?"
"Tulungan mo ako."
"Bakit?"
"Pwet mo may racket."
"Gago. Ano nga?"
"Pikon to. Tulungan mo ko. Ikaw na lang kaya magbigay kay Loves nung mga libro."
"Bobo. Sa tingin mo ba ay tatanggapin ni Gwyneth yun kapag galing sakin? Kay Aizel na lang."
"Magtataka naman yun."
"Ibigay mo ng direkta sa kaniya. Puntahan mo sa bahay nila."
"Ginawa ko na yun kahapon. Dumiretso ako sa bahay nila noong umalis ako sa gym. Tinanggihan niya."
"Alam ko na tol. Ipabigay mo sa parents niya."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Haihai. Hmm. Pwede. Tama. Sa parents ni loves. May utak din pala tong si Haihai.
"Tama. May utak ka rin pala Hai."
"Gago."
"Sige ibaba ko na to."
"Ge. Goodluck."
Matapos ibaba ang tawag ni Haihai ay si Aizel naman ang tinawagan ko. Ilang ring lang ay sinagot na rin ni Aizel.
"Hello?"
"Aizel. Tulungan mo naman ako."
"Railey? Ano ba yun?"
"Kasama mo ba si Loves?"
"Oo. Pupunta yun dito mamaya."
"Ganun ba? Sige salamat ah. Hanggang anong oras ba siya dyan sa inyo?"
"Pupunta siya dito ng alas dyes tapos uuwi siya ng alas kwatro."
"Okay. Thank you."
"Okay."
Nang maibaba ko ang tawag ay bumaba ako para kumain. Naabutan ko si mama na naghahain na nang pagkain namin.
"Ma."
"Hmm?"
"Aalis po ako pagkatapos kumain. May pupuntahan lang."
"Baka naman Nak susundan mo si Gwyneth. Creepy yun nak."
"Lah. Grabe ka sakin Mama. Hindi ko naman po susundan yun si loves. Kapag po ba aalis ako kay loves agad?"
"Oh bakit? May ibang nagugustuhan ka na ba? Di ba wala naman?"
"Wala nga po. Pero malay niyo kay Haihai pala ako pupunta."
"Ewan ko sayo nak."
Matapos kumain ay naligo ako at nagsuot lang ng jogging pants at rubber shoes. Oo hindi na ako nagdamit pang itaas. Pupunta ako kila loves na topless. Baka sakaling maakit sa alindog ko si loves.
Eh gwapo ka na nga di pa naakit sayo,ibig sabihin kahit nakatopless ka pa walang pakialam yun.
Wengya talagang utak to oh.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Novela JuvenilCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...