Gwyneth POV
Habang nagbabasa ng libro na galing sa tukmol ay naglakad na ako papunta sa classroom namin. Wala naman siguro akong makakabunggo dito dahil wala pang masyadong estudyante.
Putang.
Kakasabi ko lang eh. Ayan na nalaglag na ang librong binabasa ko dahil sa nakabunggo ko. Dahil mabait ako ay hindi ko sinigawan kung sino man ang nakabangga ko.
Kinuha noong lalaki ang libro ko at nagulat ako noong iabot niya sa akin iyon.
"Ikaw pala loves. I'm sorry. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko."
Kagabi pa ako binabagabag kung bakit ko siya nakita sa cafe at ito ngayon at nakabunggo ko pa si Railey.
"Okay."
Kinuha ko na ang libro at naglakad na palayo doon. Hindi ko kayang kaharap siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Naupo ako agad sa pwesto ko noong makarating sa classroom. May ilan-ilan na rin kaming kaklase sa room.
Itinuon ko na lang sa binabasa ko ang atensyon ko. Ayaw ko nang isipin pa ang nangyari kanina. Pero, iniiwasan niya rin ba ako? Kasi kanina nagsorry lang siya at hindi nangulit. Himala ata yun.
Nevermind. Bakit ba iniisip ko pa yun? Tss.
"Bruhaaaaaa!"
Naibaba ko ang libro at itinago sa bag ko dahil alam kong hindi na ako makakapagbasa gawa ng bruhang 'to.
"Oh?"
"Wala lang."
"Gaga."
Tinawanan niya lang ako at naupo sa tabi ko. Gusto kong itanong kay Aizel kung talagang nagtatrabaho si Railey doon sa cafe. Pero aasarin lang ako ng isang 'to.
"Ay bruha. Nakita ko si Railey kanina noong papasok ako. Nasa garden nakatulala amp."
Ibig sabihin nakabunggo ko na siya noon.
"Hmm?"
"Tinawag ko nga eh. Hindi naman lumingon. Nakatulala lang siya doon. Nandoon siya sa puno kung saan ka dati nakaupo nung binigyan ka niya ng bouquet ng libro."
Ano namang ginagawa niya dun?
"Tapos?"
"Eh kasi ang weird lang. Malapit na ring magtime pero bakit nandun pa rin siya? Kasi diba, kapag alam nung nandito ka na sa classroom nandoon na rin siya sa classroom niya."
Oo nga. Weird. Ano bang nangyayari sa isang yun?
"Ewan ko. Bakit mo ba sinasabi sakin 'to?"
"Ewan ko rin sayo. Manhid."
Manhid? Manhid ba talaga ako? Pano naman ako naging manhid?
Hindi na ako nagsalita at naupo na lang. Dumating na rin ang teacher namin at doon ko itinuon ang atensyon ko.
Noong breaktime na ay nag-ayos na kami ng gamit namin para makakain na sa canteen.
Nang makalabas kami ni Aizel ay nasa labas na ang tatlo. Si Al at Haines na nakangiti. At si Railey na nakayuko at walang imik.
"Oh nandito na pala tong dalawa eh. Tara na. Gutom na ako."
"Palagi ka namang gutom,Haines."
"Hoy kahapon ka pa Algeom ah."
Hindi ko na sila pinansin pa at nauna nang naglakad papunta sa canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/230608407-288-k284660.jpg)
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...