Chapter 33

13 1 0
                                        

Gwyneth POV

"Hoy Gwy gising!"

Naramdaman kong may umaalog sa katawan ko pero wala akong pakialam. Inaantok pa ako. Sa dami ng nangyari kagabi ay pagod pa ang katawan ko para bumangon.

"Gising naaaa!"

Hindi ko pinansin kung sino man ang ponsiyopilatong gumigising sa akin. Mabuti na lang at tumigil din ito.

Muli akong nakatulog dahil doon.

Noong magising ako ulit ay alas dos na ng hapon. Ganoon na ba talaga kapagod ang katawan ko para matulog ng ganun kahaba?

Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa cr. Naligo ako at nagsipilyo. Suot ang brown shirt at gray jogging pants ay bumaba na ako sa sala.

Naabutan ko sa sala sila Mama at papa na kausap si Haines este Kuya. Dumako ang tingin ni Haines sa akin.

"Gising ka na pala Mahal na Prinsesa."

"Tigilan mo nga ako."

"Alas dos na oh. Pumunta nga dito kanina si Rairai."

"Eh sa antok pa ako kanina eh."

Tinawanan niya lang ako at tumayo para lumapit sa akin. Inakbayan niya ako bago humarap kila mama.

"Tita,tito, pakakainin ko lang po ang mahal na prinsesa."

Natawa naman sila mama dahil sa sinabi niya. Gago talaga 'to.

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at nauna nang naglakad papasok sa kusina.

Naupo na ako sa pwesto ko at dumukdok sa mesa.

"Oh ayan. Marami ang nilagay ko dahil alam kong gutom ka. Hindi ka pa kumakain ng breakfast at lunch."

Inangat ko ang tingin ko at nakita ang plato sa harapan ko. Agad kong kinain iyon dahil nagugutom na talaga ako.

Nandoon lang si Kuya at pinapanood ako. Parang tanga.

Noong matapos akong kumain ay inabutan niya ako ng coke at siya na ang naghugas ng pinagkainan ko.

Bumalik kami sa sala at nandoon pa rin sila mama.

"Anong sinabi ni Rai noong pumunta dito kanina?"

"Wala. Sinilip ka lang. May pasok daw siya sa cafe ngayon eh. Sinabi pa noong huwag kang gisingin at hayaan ka lang magpahinga."

"Mama,alam na po ba ni Rai?"

"Oo nak. Ayaw kasing umalis kanina ni Railey hanggat hindi niya nalalaman kung bakit nandito si Haines ng ganito kaaga."

"Baliw talaga."

Inubos ko na ang coke na iniinom ko bago tumingin kila mama at papa na parang nagsesenyasan kung sinong magsasalita.

"May sasabihin po ba kayo?"

Napaayos naman silang upo pareho at tumikhim bago nagsalita si mama.

"Nak,ayos lang ba sayo na lumipat sa bahay ni Haines?"

Napatigil naman ako dahil sa sinabi ni mama.

"Po?"

"Tita, huwag na lang po nating pilitin. Hayaan na lang po muna natin dito sa inyo si Gwy. Ayos lang naman po sa inyo diba?"

Tinanguan lang siya nila mama.

Napatingin ako kay Kuya Haines dahil parang may iba sa boses niya. Nginitian niya lang ako noong napansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon