Chapter 32

14 1 0
                                    

Gwyneth POV

Matapos ang pagblow ng candles ay sabay-sabay kaming pumunta sa kusina nila para kumain. Dumating na rin ang papa ni Rai.

"Happy birthday nak. Sorry nalate ako."

"Ayos lang po yun Papa." Sagot ni Rai.

"Tito Kevin, hindi po yan magagalit kahit na late kayo." Sabi naman ni Al.

"Bakit naman? Parang dati lang ay halos hindi na ako pansinin niyan kapag nalelate ako tuwing birthday niya."

"Eh kasi tito, sinagot na po yan ni Gwy."

Napatigil sa pagkain ang papa niya. Kinabahan naman ako sa magiging reaksiyon ng papa niya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Gwyneth?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Opo tito."

"Alam mo kasi yang si Railey baliw yan. Makulit. Ayaw paawat. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Pwede ka namang maghanap ng iba."

Malakas na tawanan sa hapag ang nangibabaw matapos yung sabihin ni Tito Kevin.

"Papa naman. Andami kong pinaghirapan para masagot ako niyan tapos ganyan pa kayo." Pagbibiro ni Rai sa papa niya.

"Pwede pa po bang bawiin yung sagot ko tito? Baka may mahanap pa akong iba." Pangsasakay ko sa sinabi ni Tito Kevin.

Nagtawanan ang mga kasama namin habang si Rai naman ay humaba na ang nguso.

"Bawal ka ng maghanap ng iba loves."

"Sasagutin ba kita kung maghahanap din naman ako ng iba?"

"Woaaaahh!"

"Smoooooottthhh"

Nagtatawanan lang kami habang kumakain. Gabi na pero wala kaming pakialam kahit na may makarinig sa ingay namin.

Noong matapos na kaming kumain ay nagsipuntahan na kami sa sala. Gusto ko pa sanang tumulong sa paghuhugas ng pinggan pero hindi ako pinayagan ni Tita. Siya na raw ang bahala.

"Soooooo, dalawa na ang couples sa barkada. Ako at si honey, si Rai at si Gwy." Sabi ni Aizel noong makaupo kami sa sofa.

"Oh ano naman ngayon?" Tanong ni Haines.

"Kelan niyo balak na magpakilala ng babae samin ni Kurt?"

Kinunutan siya ng noo ni Haines. Ang ayos namin sa sala ay sa sofang mahaba nakaupo sila Haines at Kurt. Katabi nila yung bubuyog couple. Habang kami naman ni Railey ay nasa sofang isahan. Tig-isa kami pero magkatabi yung sofa.

"Hindi kaya, sila ang para sa isa't isa kaya wala silang pinapakilalang babae sa'tin?" Hirit ng katabi ko.

Dahil sa sinabi niya ay nakatanggap siya ng dalawang batok galing kay Haines at Kurt.

"Gago. Kilala niyo naman si Spikey eh." Sabi ni Haines.

Spikey, spikey ka dyan di mo nga malapitan.

"Haihai, spikey ka ng spikey. Hindi mo nga ata makausap o malapitan man lang yun."

"Oo nga Hai. Galaw galaw baka mastroke."

"Ewan ko sa inyo mga gago. Tigilan niyo ako ah. Hindi ko naman kasi minamadali eh. Darating din tayo dyan."

"Oo nga hindi mo minamadali. Pero mauunahan ka naman." Hirit ni Kurt.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon