Chapter 18

10 2 0
                                        

Gwyneth POV

Hindi ko alam kung nahahalata na ba nila na umiiwas ako sa kanila. Alam kong nagtataka sila kung bakit ilang araw na akong hindi sumasama sa kanila at ang palaging dahilan na sinasabi ni Aizel ay may gagawin ako.

"Bruha. Hindi mo pa rin ba kakausapin yung mga tukmol?"

"Umiiwas nga ako diba?"

"Hinahanap ka kasi sa akin ano sis? Maloloka na ako sa mga tanong nila. Yung boyfriend ko nga nagtataka na sa akin."

"Pwede mo naman sigurong sabihin kay Al. Ayoko namang mag-away kayo dahil sa akin. Basta huwag lang malaman ni Railey."

"Jusq naman kase bruha. Hindi mo naman kailangang iwasan yung tao. Siya naman yung may gusto diba?"

"Nah. Nagawa ko na. Nasimulan ko na."

"Bahala ka bruha ka."

Dumukmo na lang ako sa desk ko dahil kumikirot ang ulo ko. Ano naman kayang palusot ang gagawin ko mamaya? Hindi naman pwedeng palagi akong may gagawin dahil mahahalata nila yun.

Kaklase ko si Aizel pero ako lang ang busy sa aming dalawa kaya magtataka sila. Bahala na.

Ito na nga ang kinakatakutan ko. Noong breaktime na ay hindi na ako nakatakas sa kanila.

Si Al ay nasa unang pinto habang ang dalawang tukmol ay nasa kabilang pinto.

"Hoy,dragon! Huwag mong subukang tumakas ha. Sasama ka sa amin ngayon. Palagi ka na lang busy." Salubong na sabi sa akin ni Haines.

Hindi naman umiimik si Railey sa tabi niya. Nakayuko lang ito at nakatingin sa baba.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kaniya.

"Ayun! Hoy,lovebirds! Tara na. Sasama sa atin si Dragon ngayon."

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa canteen. Pasulyap sulyap sa akin si Aizel na para bang tinatanong kung ayos lang ba ako. Ngumiti lang ako sa kaniya.

Nang makarating sa canteen ay tahimik lang akong umupo sa tabi ni Aizel.

"Anong bibilhin niyo? Kami na ang bibili." Tanong sa amin ni Al.

"Sandwich at juice lang." Sagot ni Aizel.

"Ikaw loves?"

Nagulat naman ako nang bigla akong tanungin ni Railey. Akala ko kasi ay hindi niya ako kakausapin hanggang mamaya.

"Ah, sandwich lang din at juice."

Sabay sabay silang tatlong tukmol na tumayo at nagpunta sa counter.

"Ayos ka lang ba bruha?"

"Oo."

"Mukhang hindi ka na makakatakas pa dahil nakakuha ng strategy ang mga tukmol."

"Bahala na."

Nang makabalik sa table namin ang mga tukmol ay nagsimula na silang magsidaldal habang kumakain.

"Ikaw dragon,ano bang ginagawa mo at palagi kang hindi sumasama sa amin?"

"Importante lang."

"Weh? Talaga ba? Dragon ka ha. Kapag nalaman namin na iba yan nakooo."

"Baliw."

"Oo na baliw na ako."

"Baliw sa volleyball player." Dugtong ni Railey sa sinabi ni Haines.

Agad kaming nagtawanan sa sinabi niya. Pano ba naman eh namula ang tukmol.

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon