Gwyneth POV
Matapos ang nangyari kahapong debate daw kuno sa pagitan namin ni Castro ay hindi na ito makatingin ng diretso sa akin. Natamaan siguro sa mga sinabi ko kahapon. Hindi na niya ako kinakausap o ano. Tsk. Hindi niya naman ako madadala sa paganyan ganyan niya. Baka nga umaarte lang yan.
"Loveeeeesss!"
Anak ka ng putakte! Ang aga aga! Kakalabas ko pa lang sa gate ng bahay namin ay narinig ko na agad ang tukmol. Ano bang ginagawa nito dito?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka."
"Ulol."
"Ang aga aga sayo loves huwag kang magmura."
"Anong gusto mo magbait baitan ako saiyo?"
"Pwede rin naman loves. Malay mo sa gagawin mong yun mafall ka sakin."
"Ulol ka talaga."
Dahil may dala akong libro ay tinangka niya itong kunin.
"Ano ba?! Bakit mo kinukuha?"
"Ako na magdadala. Hindi ba ganun ginagawa ng mga nanliligaw?"
"Pake ko naman? Kaya kong dalhin to."
Napakamot naman siya sa ulo niya at hindi na kinuha ang mga libro ko. Kamot ng kamot sa ulo. May kuto ba tong tukmol na to?
Habang naglalakad kami papunta sa school ay hindi na umimik ang tukmol. Nang madadaanan na namin ang 7/11 ay napatigil siya sa paglalakad.
Nakita ko siyang nakatingin sa loob ng 7/11. Ano naman kayang tinitingnan ng isang to? Wala namang ibang tao bukod sa mga crew doon.
Tatanungin ko na sana siya kung bakit siya tumigil nang naunahan niya akong magsalita.
"Loves."
"Hmm?"
"Bili tayong ice cream."
Kingina! Kaya ba siya tumigil para lang sa ice cream?
"Kaya ka ba tumigil dahil sa ice cream?"
Tumango naman siya at tumingin sa akin.
"Bili tayo pleaseee."
"Eh di bumili ka. Bakit tinatanong mo pa ako? Nasa akin ba ang pera mo? O baka naman gusto mo, ako pa ang magbayad?"
"Hindi ah. Sinasabi ko lang kasi baka gusto mo rin."
"No thanks. Bumili ka na nang ice cream mo at papasok na ako."
Napalabi naman siya sa sinabi ko. Parang bakla amp.
"Hintayin mo ako."
"Pake ko sayo? Aalis na ako. Papasok na ako."
"Eh di tara na."
Nauna na siyang maglakad sa akin. Baliw talaga. Bipolar amp. Kanina gusto nang ice cream tapos ngayon hindi na raw. Baliw talaga.
Nang makarating sa may gate ng school ay nakita ko si Aizel na papasok pa lang. Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at inakbayan siya.
"Anak ka ng putakte!"
Mukhang nagulat ang bruha sa biglaang pag-akbay ko sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin pero hindi ko iyon pinansin.
"Jusko naman Gwyneth. Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"Wala ka namang sakit sa puso kaya hindi ka kaagad mamamatay kapag ginulat kita."
BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...