Chapter 9

13 3 0
                                    

Railey POV

Matapos ang klase ko ay agad akong lumabas para hanapin si loves. Tumatakbo akong nagpunta sa classroom nila. Hindi ko alam kung nandoon siya dahil break time.

Nang makarating sa classroom nila ay nandoon ang ilan nilang kaklase. Tinawag ko ang isang lalaki na malapit sa may pinto.

"Excuse me. Nasaan si Gwyneth?"

"Si Gwyneth ba? Lumabas na kanina pa kasama si Aizel."

"Thanks."

Alam kong sa locker sila dumidiretso kapag break time bago pumunta sa canteen. Pero nang makarating ako sa locker area ay wala sila doon. Maglalakad na sana ako papunta sa canteen nang makita ko silang dalawa ni Aizel na papunta sa may pwesto ko.

Agad akong nakaramdam ng pag-aalala noong nakita ko siyang may spaghetti sa ulo.

"Loves! Anong nangyari sayo? Bakit ka may spag?"

"Wala may nakabungguan lang sa canteen."

May nakabungguan? Imposible naman yun dahil nasa ulo ang spag. Kung nakabunggo niya yun ay dapat sa katawan niya.

"Sigurado ka? Baka kagagawan yan ni Castro hindi mo lang sinasabi sakin."

"Manahimik ka nga. Tabi magbibihis ako."

Alam kong may mali. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin. Pero bakit niya nga naman sasabihin sa akin yun kung sinusungitan niya ako. Tsk.

Lumapit ako kay Aizel noong nakapasok na sa cr si loves.

"Aizel, una na ako. May klase pa ako." Palusot kong sabi sa kaniya.

Kailangan kong malaman kung ano ang totoong nangyari kay loves. Lentek talaga. Patay sakin kung sino man may gawa nun sa loves ko.

"Oh sige."

Agad akong naglakad paalis doon. Pumunta ako sa canteen pero halos mga kaklase ko lang ang nandoon. Imposibleng alam nila ang nangyari dahil sabay sabay kaming lumabas. Tsk.

Naglakad na lang ako paalis sa canteen dahil wala naman akong mapapala doon. Bumalik na lang ako sa classroom namin at nag-isip kung sino ang pwedeng pagtanungan.

Pwede ko namang itanong sa mga kaklase ni loves pero nandoon siya ngayon at may klase. Magtataka siya kapag nagtanong ako doon.

Bahala na.

Lumipas ang mga sumunod pa naming klase at nag-iisip pa rin ako ng kailangang gawin. Kaya nang matapos ang klase namin ay agad akong tumakbo palabas para hintayin sila loves sa may gate. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na silang palapit sa may pwesto ko. Kasama nila ni Aizel si Haines. Ang pinsan ni Algeom.

"Loves!" Tawag ko sa kaniya noong makita ko siya.

"Ang ingay mo."

"Uy. HaiHai!" Tawag sa akin ni Haines. Tinanguan ko naman siya.

"RaiRai!"

Narinig ko ang pagtawa ni Aizel dahil sa tawag namin ni Haines sa isa't isa.

"HaiHai? RaiRai?"

Namula naman ako dahil sa sinabi ni Aizel. Kingina nakakahiya amp.

"Uuwi na ako." Paalam sa amin ni loves.

"Hatid na kita Loves!" Pagsasuggest ko.

"Maglalakad lang ako."

"Eh di sasabayan kita."

To Fall With Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon