Gwyneth POV
November 20. Biyernes.
Ngayon ang birthday ni Railey. At dahil Biyernes naman ay pwede kaming magsibilyan. Nagsuot lang ako ng pantalon at maroon shirt. Tinernuhan ko ito ng black rubber shoes.
Actually maaga pa. Pero kailangan kong makaalis agad dito sa bahay para hindi ako abutan ni Railey.
Nagmamadaling bumaba ako sa sala dala ang mga gamit ko. Nandoon si mama na nagwawalis sa sala.
"Mama, aalis na po ako."
"Ang aga mo naman ata ngayon. Hindi mo na ba hihintayin si Railey? Pupunta yun ngayon dito para sunduin ka."
"Hindi na po. May gagawin pa po ako. Pasabi na lang na nauna na ako."
"O sige. Ingat ka."
Halos takbuhin ko na ang bike kong nakaparada sa labas ng bahay.
Napabuntong hininga na lang ako noong nakalayo na ako sa bahay. Noong makarating ako sa school ay pinarada ko lang ang bike ko bago naglakad na papasok.
Sa garden ang hintayin naming lahat.
Malayo pa lang sa garden ay nakita ko na ang mga kaibigan kong nagbabatukan. Mga gago talaga.Kompleto na sila doon. Ako na lang pala ang hinihintay.
"Ang gulo niyo."
"Oy dragon nandito ka na pala."
"Hindi Haines! Hologram lang yan ni Amazona!"
"Manahimik ka dyan Al!"
Yumakap naman si Al kay Aizel.
"Honey inaaway ako ni Haines."
Ayan na naman ang mga bubuyog.
"Bubuyog alert!" Sigaw ni Haines.
Natawa na lang kami ni Kurt noong hinabol siya ng magjowa.
Noong matanaw ko si Railey na nakayukong naglalakad papasok sa school ay agad akong tumalima.
"Nandyan na si Railey!" Sabi ko sa kanila kaya kaniya-kaniya kaming takbo kung saan.
Tumakbo na kami ni Aizel papunta sa classroom namin. Habang ang boys naman ay tumakbo sa classroom nila.
Kumuha kami ni Aizel ng notebook at libro. Sinadya naming huwag magsulat ng lecture kahapon para masabi naming busy kami ngayon.
Patawarin sana kami ni Lord sa mga pinaggagagawa naming magkakaibigan.
Pinaseryoso pa namin ni Aizel ang itsura namin para naman makatotohanan. Nagsalpak ako ng earphones kahit walang tugtog at nakaconnect sa cellphone ko.
Hinayaan ko na lang na walang sound para alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko.
Nagsimula na kaming magsulat ni Aizel. Nagkatinginan pa kami noong nakita namin si Railey sa may pinto ng classroom namin.
"Gwyneth! Andito si Railey!" Rinig kong sigaw ng isang kaklase namin pero hindi ko pinansin.
Dapat akong umakto na walang naririnig dahil nakaearphones ako. Naramdaman ko ang presenya niya sa likuran ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ko.
"Mabuti naman at safe kang nakarating dito sa school. Mukhang marami ka pang gagawin. Study well,loves. See you later. I love you."
Matapos niyang sabihin yun ay humalik pa ito sa ulo ko bago naglakad paalis.

BINABASA MO ANG
To Fall With Him
Teen FictionCan Gwyneth a moody girl fall inlove with Railey the Mr. Vigorous? How can you fall inlove with someone who have the opposite personality of yours? Giving flowers? Check. Giving chocolates? Check. Giving some letters? Check. Giving books that she...