Chapter Ten

809 52 6
                                    

Christopher just kissed me. In my cheek. And in my normal, paranoid self, baka naghuramentado na ako sa galit sa ginawa niya.

But I didn't. Nagmulat lang ako ng mata at tinitigan siya. Agad siyang napaupo sa gulat nang makitang gising na ako. "Sophie... sorry. Ano kasi..." Nabubulol na siya at alam kong kinakabahan siya sa magiging reaction ko.

"Hinalikan mo ako, Christopher," sabi kong umiiling. "Kahit sa cheeks lang yun, you should have not done that."

Nakatungo na ang ulo niya. "I'm sorry."

"Okay na, pinapatawad na kita," sagot ko at napatingin siya agad sakin na parang hindi makapaniwala.

"Pinapatawad mo ako?" ulit niya sa sinabi ko.

"Oo nga. Makulit lang?" sagot ko at bahagya siyang ngumiti. "You said sorry. Kaya okay na."

"Alam mo bang kung sa iba ko ginawa yun, baka pinaghahampas na nila ako sa galit kasi ninakawan ko sila ng halik? Pero ikaw..."

Natawa ako. "Wrong. Kung ibang babae yun, baka nangisay na yun sa kilig. Pero iba ako, Christopher. Walang malisya sakin yung kiss mo, kaya ganito lang yung reaction ko. Siguro kung gusto kita eh baka nagwala na ako sa kilig. Pero hindi. I hope you understand, Christopher."

Tumango siya na halatang malungkot. "Alam ko. Si Philip Canillas yung crush mo diba?"

I hesitated for a moment pero tumango rin ako. "Kaya sana wag mo nang ulitin yun. Kasi ayokong ma-awkward sayo ng bonggang-bongga. Gusto pa naman kitang maging kaibigan."

Tumawa siya. "Hayup na friendzone yan. Pero sige, promise. Hindi ko na uulitin yun unless may permission galing sayo."

"Good."

"Pero baka nakakalimutan mo Sophie, we agreed on a deal. Kapag nagkita na tayo ng labintatlong beses, tayo na. At hahalikan talaga kita to my heart's content."

Namula naman ako. Loko to ah. "Parang ayoko na tuloy sa deal natin. Binantaan mo na ako ng halikan," sagot ko at natawa kami parehas.

"You cant back out. A deal is a deal. Ako nga, kahit gusto kitang makita araw-araw ay pinipigilan ko ang sarili ko para lang hayaan yung tadhana na pagtagpuin pa tayo ulit."

Nakakaloka talaga itong si Christopher. "So you mean, kahit friends na tayo ngayon, hindi tayo pwedeng magkita on purpose dahil sa deal natin?" tanong ko.

"Oo," he answered. "Pwede lang tayong magkita after we meet accidentally. Tulad ngayon. Kahit ako, gusto kong maghang-out tayo like normal friends do kaso mas gusto kong patunayan sayo na nakatadhana talaga tayo para sa isa't-isa. I want to prove to you that our future exist. Kaya hindi muna tayo magkikita ng madalas until that day when we already meet thirteen times."

Ang weird ng set-up namin. Oh well, what do I expect from someone like Christopher? But I like the idea of having a close guy friend na makakasama ko sa ganito ka-weird na paraan. It's like befriending a weird fictional character from a book.

"Natahimik ka na," usisa niya sa mukha ko. "Are you okay?"

"Ha? Oo naman. Nawi-wirduhan lang talaga ako sayo. Mahilig ka sa hula at destiny. Tapos Disney character ang name mo sa Facebook. Na matagal na pala kitang friends. Kaloka talaga. Kung saan-saan ka din sumusulpot."

Ang lakas ng tawa niya. "That's how destiny works, Sophie. My favorite meeting so far, yung sa resort."

Namula ako nang maalala ko yun. "Bakit? Kasi nahalikan mo'ko?"

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon