Assuming sucks.
Wait, let me rephrase that.
Assuming sucks, assuming hurts, and assuming cuts.
The reason why I never fully believed in destiny, in fate, or in the existence of our soulmates is that I didn't want to assume. I didn't want to expect, and naturally I didn't want to be hurt.
Maaga akong ginising ng realidad na malupit ang mundo. Kung maaari nga lang, ayoko nang magtiwala pa sa ibang tao dahil baka sa oras na pinagkakatiwalaan ko na sila, saka naman nila ako sasaktan.
And I didn't want to expect because I didn't want to get hurt. As simple as that. Ever since the accident with my parents, I started living an unassuming life, a life where I was not attached to people so that they could not hurt me in any way possible.
And then Christopher King Tiu came.
Ni wala sa hinagap ko na masasaktan niya ako ng dahil lang sa hindi siya dumating para hanapin ako. Hindi ko inaasahan na darating sa buhay ko ang isang taong hindi ko naman talaga personal na kakilala at ganoon ka-close ngunit kung paano niya ako nasaktan sa mga ikinilos at mga sinabi niya ay ganun-ganun na lang. Doon ko ipinangako sa sarili ko na hinding-hindi na talaga ako magi-expect pang muli. At hinding-hindi na rin ako makikipagkita o makikipag-usap pa kay Christopher. Ever. And ever.
Hinding-hindi ko na kasi makakalimutan ang nangyari sa amin sa City Market lalo na dun sa Dunkin Donuts. Umasa pa rin kasi ako, na darating siya at hahanapin ako. Nang inalalayan na nga ako ng isa sa mga crew ng Dunkin, at pinaupo sa maliit na office nila sa likod ng shop, umasa pa rin akong darating si Christopher para i-check kung nandoon ba ako.
Naki-charge na din ako ng phone ko para maka-text ako sa bahay. Nanghihina pa rin kasi ako lalo na at wala akong kinain kanina dun sa bahay. Sana pala nagmeryenda ako kahit konti para naman hindi ako nahihilo ngayon. Mabuti na lang mababait yung mga crew ng Dunkin at binigyan nila ako ng tinapay at tubig. Binigyan din nila ako ng gamot dahil nga nilalagnat ulit ako.
Tinext ko si Adrian kung anong nangyari sa'kin. Agad naman siyang nagreply na papunta na siya para sunduin ako. At nang dumating siya, agad niya na akong iniuwi habang todo pasalamat ako dun sa mga crew na umasikaso sa'kin.
"Sobra mo kaming pinag-alala, Sophie," sabi ni Adrian sa'kin nang nasa taxi na kami pauwi ng bahay. "Sa susunod kahit utusan ka pa wag mo nang sundin kung masama naman pala ang pakiramdam mo."
Hindi na ako sumagot. Bukod kasi sa masakit pa ang ulo ko ay nahihiya din ako kina Tita Raya at Adrian sa nangyari.
Bakit kasi ang tanga ko lang pagdating sa mga directions at mga lugar?
"Buti na lang dun ka sa Dunkin tumambay. Pano kung doon ka muntik mawalan ng malay sa palengke mismo? Baka kung ano nang nangyari sayo. Bakit ka nga pala nandoon sa Dunkin?"
"Doon kasi kami dapat magkikita ni Christopher."
"Ah..."
"Asan na pala siya?"
"Umuwi na sa kanila."
Again, I did not comment. Nagulat kasi ako dun eh. Umuwi na siya agad? Even after I got lost and I was not with him, talagang umuwi lang siya ng ganun?
Sobrang disappointment ang naramdaman ko. Kasi hindi ko matanggap na hindi man lang siya nag-effort na hanapin ako. For the record, siya ang kasama ko sa palengke. Kahit sino naman siguro ang mawalan ng kasama sa palengke, hahanapin niya naman siguro yung kasama niya di ba?
Nung nasa Dunkin ako at naghihintay sa kanya, I was picturing Christopher in my mind na sobrang nag-aalala na siya para sa'kin at hinanap niya talaga ako sa buong palengke. Until finally baka naisip niyang umuwi na lang ako kaya umuwi din siya. Tapos magugulat siyang wala pa ako sa bahay, kaya mas lalo siyang mag-aalala at babalik siya sa City Market para hanapin ako. For a moment nga ay inakala kong kasama siya ni Adrian na susundo sa'kin.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...