Chapter Thirty Eight

580 31 5
                                    

I was shocked. I thought I was imagining what she said. Then I felt goosebumps all over my body, for in front of me was someone who could possibly tell me that Christopher was truly alive!

"Sino ang nagbigay sa'yo nito?" I asked almost in a whisper, shivering. I was still tagging at the jacket she was wearing which used to be Christopher's. "Sino?"

"Ha? Hindi ko siya kilala...basta lalaki siya!" Sagot nung babae.

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtanong pa ako nang tanong sa babae. "Pero siguro naman namukhaan mo siya? Yung nagbigay ng jacket na ito? Kasi kilala ko ang may-ari nito, kay Christopher ito!" Giit ko.

"Sorry Miss pero hindi ko natanong ang pangalan niya---"

"Pero natatandaan mo naman ang mukha niya?" Dagdag ko pa at mukhang nakukulitan na si Ate. Pero kung inaakala niyang susuko ako agad sa pagtatanong ay nagkakamali siya. "Anong itsura niya? Mestiso ba siya? Medyo matangkad? May dimples?"

I must have sound so desparate but I continued on telling her what Christopher looked like. Yun nga lang parang hindi naman nakikinig sa akin si ate. Tumango-tango ito sa akin tapos umatras nang konti na para bang susunggaban ko siya any moment now. Siguro kasi akala niya bayolente ako, sa lakas ba naman ng boses ko.

"Pasensiya ka na Miss---"

"Sophie. Yun ang pangalan ko..."

"Sophie," aniya na ngumiti na. Siguro naisip na niyang pareho lang naman kaming biktima ng sakuna, at kahit napakaliit ng impormasyon na alam niya ay napakaimportante na sa akin. "Sorry talaga pero sa totoo lang, hindi ko talaga siya namukhaan. Nagkakagulo kasi nun, kakatapos lang ng bagyo. Nawalan ako ng damit dahil sa lakas ng hangin, nandun lang ako sa likod ng mga nilipad na yero at nagtatago, nang may mga lalaking lumapit sa'kin na nakarinig sa pag-iyak ko. Nakita nilang halos hubad na ako at isa sa kanila ang nagbigay sa'kin ng jacket na ito."

"Hindi mo man lang tiningnan kung ano ang itsura ng taong nagbigay ng jacket sa'yo?" I asked, disappointment etched on my face. Parang ang imposible naman kasing hindi mo man lang titingnan ang mukha ng lalapit sa'yo. Pero naisip ko rin, ano nga ba ang posibleng mangyari at hindi ngayon? No one expected the typhoon to be that strong.

"Hindi masyado. Sorry."

"Kahit pakitaan kita ng picture niya hindi mo pa rin siya makikilala?"

Umiling ang kausap ko. "Look, tinangay ako ng tubig. Muntik na akong malunod. Na-trauma ako. Kaya iyak lang ako nang iyak dun sa may yero. Hindi ko talaga pansin lahat ng nasa paligid ko that time, dahil sa matinding takot..."

I nodded. "Sorry, I didn't mean to be insensitive. Pero wala ka man lang clue kung ano itsura niya, o kung ilang taon na siya?"

"Bata pa siya, siguro kaedad natin," sagot ng babae at lumakas na naman ang kabog sa dibdib ko dahil dun. Oh. My. God. Ikaw na ba talaga yun, Christopher? "Yun ang sure ako. Binata siya. Kahit yung boses niya, bata pa eh. Pero hindi ko natandaan yung features niya. Na-overwhelm kasi ako sa pagtulong nila, tapos nagtatago nga ako sa likod ng yero dahil nakahubad ako. I'm very sorry at hindi ko siya namukhaan. Hindi nga ako nakapagpasalamat sa kanya---"
Yung nararamdaman ko, parang roller coaster. Biglang bubulusok pataas pero babawiin din naman. Litong-lito na ako. But I tried my best to accept what she said. Na wala na namang matibay na ebidensiya na si Christopher nga yun, walang eyewitness. Pero kahit pa, dahil para sa'kin isang matibay ng ebidensiya na naka-survive si Christopher itong paglitaw ng jackrt niya.

"Pasensiya ka na talaga pero huling tanong na lang Miss---" pakiusap ko at sinabi niya ang pangalan niya.

"Sheena. Sheena ang name ko, at wag ka nang magkaawa, pareho naman tayong estudyante dito. Pareho lang tayong nasalanta."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon