Chapter Twenty One

709 48 7
                                    

Natigilan kaming dalawa ni Christopher matapos niyang sabihin yun. Pagkatapos ay bigla niyang kinuha yung bote ng Red Horse at nagtagay siya doon sa
baso ko na baso na niya ngayon habang pinagmamasdan ko siya.

Uminom siya.

Natuon naman ang pansin ko sa Adam's apple niya habang umiinom siya, at bigla na lang akong namula dahil doon. Napalunok din tuloy ako at agad din akong nahiya sa sarili ko. Tsk. Lasing na yata talaga ako! Anubey! Maybe Christopher was right.

"Aalis ka na?" Tanong ko bigla kahit na dinig na dinig ko naman kung ano yung sinabi niya kanina. "K-Kelan?"

"Sa Monday."

He said the date with finality that told me that he was telling the truth. And besides, bakit naman siya magsisinungaling sa'kin?

"Pero pano yung pag-aaral mo? Pano yun?" Tanong ko pa. Siyempre, nakakapanghinayang din yung pag-aaral niya dito.

"Wala naman akong choice. Kung gusto kong umalis, I need to give up my studies."

Hindi ako nakasagot dun. Mukhang inayos na niya lahat para sa pag-alis niya.

"Sino ang kasama mo papuntang U.S.?"

"Yung lola ko. Na-petition na kasi siya ng Uncle ko na doon naka-base. At doon na kami titira."

Tumango na lang ako. "So pano yung Tito Eric mo? Dito lang ba siya o ano?"

"Dito lang siya. Ikakasal na din kasi siya kaya maiiwan siya."

"Ah."

Marami pa akong gustong itanong kay Christopher. Like where in US will they stay. O kung gaano katagal sila doon o kung babalik pa ba sila dito. Actually gusto kong malaman lahat, kasi nagi-guilty ako. Gusto kong i-justify yung pag-alis niya at malaman na dati pa naman niya talaga iyong plano. Ayokong malaman na dahil sa'kin kaya napilitan na lang siyang umalis ng bansa. I don't think I could ever bear knowing that fact.

Hindi na rin siya nagsalita pa. Tumutok na siya dun sa tv at saktong dumating na mula sa kusina si Adrian na may dalang mga plato.

"Grabe, ang hirap dalhin ng plato mula sa kusina papunta dito," hirit ni Adrian na umacting pang parang nabibigatan talaga sa dala niyang mga pinggan. "Grabe natagalan ako dun ah." Tapos tiningnan niya kami nang nakakalokong tingin. "Ano, okay na kayo?"

"Oo," sabay pa naming sagot ni Christopher. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa.

Jusko, sabay pa talaga kami. At teka nga, okay na ba talaga kami?

Pinalakpakan naman kami ni Adrian. "Buti naman. O, inom tayo bro."

At uminom na ulit si Adrian. Pati si Christopher, uminom din. Tinagayan ako ni Adrian pero mabilis pa sa alas otso na inagaw ni Christopher yung baso bago pa yun umabot sa'kin. Tapos agad niya ding ininom yun.

"Uy, ano yan?" Reklamo ni Adrian habang pumapapak ng isaw. "Knight in shining armor ka ba ng pinsan ko?"

Tumawa si Christopher. "She's drunk."

Nag-react naman ako agad. "Hindi pa nga ako lasing!"

"O, hindi naman pala eh!" Dagdag pa ni Adrian sa sinabi ko. "Sophie, iinom ka pa! Wag kang magpapigil dito kay Boy Math Genius! Inom lang!"

Natawa ako doon. "Boy Math Genius talaga?"

"Guys, you can say what you wanna say, pero ako ang iinom ng beer na para sa'yo, Sophie," sabi niya na tumitig ulit sa'kin.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon