Chapter Thirty Three

630 38 5
                                    

Sabi nga nila, kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan. At dahil nga gustong-gusto kong makita at makausap pa si Christopher bago siya tuluyang umalis ng bansa ay ginawa ko ang lahat makakuha lamang ng ticket pauwing probinsya.

Ang daming pwedeng naging sagabal sa pagkuha namin ni Uly ng ticket ko--- but miraculously ay walang ganung nangyari. Mabilis kaming nakakuha ng ticket at bonus pa na mamayang 2 a.m. na agad yung na-book kong flight pauwi kina Adrian. May kamahalan nga lang yung ticket at normally ay hindi ko yun kakagatin pero may pera naman ako na bigay ni Daddy. Pinagpasalamat ko nga na hindi ko tinanggihan yung bigay niyang pera sa'kin. Naisip ko nga hindi naman pala masama kung paminsan-minsan ay tatanggapin ko yung mga ino-offer na tulong ng mga magulang ko.

Agad din akong nag-impake at hinanda ang sarili ko. In my mind plinano ko na ang gagawin ko pagkalapag ng eroplanong sasakyan ko dun sa probinsiya. 45 minutes lang ang tagal ng flight pauwi dun kaya hindi pa man alas tres ng madaling araw ay nandun na ako. Maaabutan ko pa si Christopher sa airport at dun ko na siya haharapin para pigilang umalis--- kung posible yung mangyari. Kung hindi naman, well, sasabihin ko na lang sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Ang importante ay magkita kami doon sa airport.

Hinatid ako ng kapatid ko sa airport nung alas dose ng gabi. Tuwang-tuwa pa nga siya dahil walang traffic at naging mabilis ang proseso sa loob ng airport. Pakiramdam ko nga sumasang-ayon ang tadhana sa'kin na makita ko pa si Christopher.

Tinext ko din siya at sinubukang tawagan pero unattended na ang phone niya. Mukhang seryoso talaga siyang umalis na lang at iwanan na lang ako at yun ang hindi ko matanggap.

Quarter to three na nang lumapag ang eroplanong sinakyan ko. Nagulat pa nga ako sa lamig lalo pa at medyo maulan pa dito sa probinsya. Nang makuha ko ang aking bagahe, tumungo na ako agad sa waiting area para abangan si Christopher. Tiningnan ko muna yung flight niya dapat pabalik ng Manila. Hindi pa nagbo-boarding ang mga pasahero nito kaya alam kong nandito pa si Christopher. I just know it.

Doon ako nag-abang sa may harapan ng pinto papunta sa boarding area para agad kung makita si Christopher. Kaso hindi ko pa rin siya makita at nagsimula na akong kabahan dahil alam kong hindi magtatagal at aalis na ang flight niya.

Dumagdag pa na inaantok-antok na ako dahil wala pa akong tulog at sobrang lakas ng ulan sa labas na halos hindi ko na marinig kung anong pinagsasabi ng receptionist ng PAL. Maliit na airport lang din naman kasi ang airport dito kaya hindi ganun ka-high tech tulad sa NAIA. May napansin pa nga akong ilang service personnel na nagma-mop ng sahig dahil may mga tulo ang bubong ng airport. Sandali pa nga akong napamura sa poor quality ng paliparan.

Nagtiyaga akong maghintay na mag-boarding na yung 4 am na flights papuntang Manila pero mukhang wala namang nangyayaring boarding. Nakaidlip tuloy ako sa sobrang antok at nang magising ako ay napatayo pa ako sa gulat na nakatulog ako.

What are you doing Sophia? Baka ma-miss mo yung pagkakataong makita si Christopher!

Stay focused!

Kinakabahan man na baka nakapag-boarding na sila, kinusot-kusot ko ang mga mata ko at sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko para magising lang ako. Napansin kong konti na lang ang tao kaya sinubukan kong magtanong sa pinakamalapit na reception area pero wala ring tao doon. Naiinis na ako dahil pakiramdam ko ay nakaalis na yung flight ni Christopher.

I already felt like crying.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero parang nakaalis na nga yung flight niya dahil sinara na yung pinto ng boarding areas. Nagsialisan na din yung mga tao kaya biglang tumahimik at yung malakas na patak ng ulan na lang ang tanging maririnig.

Hinila ko yung maleta ko papunta sa may labasan ng airport ngunit hindi rin ako makalabas dahil sa lakas ng ulan. Ang daming taong tulad ko ang stranded doon at may ilan pa ngang nagtatanong kung may bagyo.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon