Chapter Seventeen

927 43 6
                                    

WTF!

Peste!

Pakinshet!

Homay siomai!

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, which I couldn't tell exactly kung ano, basta ang alam ko, hindi ko na dapat pa makaharap itong si Christopher!

My God! Ang creepy!

Hindi na nakakatuwa! Talagang ang creepy na niya! Sa sobrang creepy nga nitong incident na ito, nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa katawan!

Kaya nang makita kong malapit na sa'kin sina Christopher at Philip, nagpanic na ako. Lumingon ako sa paligid para maghanap ng pwedeng mapagtaguan. Puno ng mga estudyante ang mga tables ni Ate Merls kaya hindi ko alam kung saan ako magtatago.

"Sophie!"

Napalunok na ako sa kaba nang marinig ko na ang boses niya. Hindi ako lumingon sa direksyon ng boses, nakatingin lang ako sa bag ko na nakapatong sa lap ko.

Akala ko lalapitan na niya ako, pero may mga tumawag sa kanya at mukhang gustong kausapin siya.

I took the chance to get away. Sobrang kinakabahan nga ako eh. Kasi pinalibutan ata siya ng ilang students which was not far from where I was seated.

Pero kailangan mong makaalis dito Sophia! Hindi ka niya pwedeng malapitan o makausap!

Alam ko na kasi ang gagawin ni Christopher. Ipu-push niya na naman yung destiny thing niya. At malamang dahil yun sa homework namin na nagkapalit.

Malamang, alam na ngayon ng loko na homework ko ang naibalik sa kanya ng prof namin at siguro ay alam na rin niyang pareho kami ng topic na sinulat! At siguro din nabasa na niya kung ano-ano yung mga pinagsusulat ko doon sa homework ko!

Waah!

Leche lang talaga yung prof namin! Sarap ipa-salvage!

Naiisip ko palang yung ngiti ni Christopher habang binabasa niya yung homework ko parang gusto ko nang maglaslas sa sobrang hiya!

Argh! Bakit ba kasi yun ang topic na sinulat ko? Pwede namang tungkol sa pagiging swimmer ko. O pwede namang about sa mga hobbies or interests ko sa buhay! Bakit yun pa, Sophie? Engot ka din ano?

Kaya hindi talaga kami pwedeng magkausap ni Christopher dahil ayokong maging kahiya-hiya. At ayokong mas lalo niyang isipin na ako nga ang future girlfriend niya dahil na naman dito kaya dapat na talaga akong umalis dito!

At may naisip na ako.

Huminga muna ako nang malalim. Saka hinawakan nang mahigpit yung bag ko. Tapos nagbilang ako hanggang tatlo.

One.

Two.

"Three!"

Tumakbo ako palabas ng canteen ni Ate Merls. Nakakaloka nga eh, sobrang bilis ko pa, ni hindi ata ako napansin ni Christopher nang dumaan ako sa harapan niya at ng mga kausap niya.

Binilisan ko ang takbo at nagdire-diretso pa ako sa Humanities Building na alam kong malayo na mula sa canteen. Aakalainin mong nasa Amazing Race ako sa sobrang bilis ng pagtakbo ko. Kaya medyo pinagtitinginan din ako ng ilang mga taong nakakasalubong ko sa daan.

Tumigil lang ako nang marating ko na yung isa sa mga gazeebo sa tapat ng Humanities Building at dun ako nagpahinga. Hingal na hingal ako dahil sa pinaggagawa ko.

Pawis at pagod ang inabot ko dahil sa kakatakbo at medyo naiinis na rin ako. Alam ko naman kasing ang OA ko lang para tumakbo ng ganun. Pero ako kasi yung tipo ng taong hindi kayang i-handle yung mga embarassing moments ko sa buhay, at si Christopher King Tiu ang mga embarassing moments ko sa buhay na nagkatawang tao.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon