Chapter Thirteen

1K 55 3
                                    

Pagkagising ko kinabukasan, agad kong naalala yung sinabi ni Christopher. Hindi ko nga alam kung bakit masyado akong affected sa sinabi niyang baka magpunta na siya ng U.S. Feeling ko nababaliw na ako.

Si Christopher kasi, ginugulo niya ang utak ko. Everytime we meet and talk, I get the chance to know him more. And everytime it happens, mas lalo kong nararamdaman na halos magkapareho ang buhay namin--- parehong walang magulang na gumagabay. Well, ang pagkakaiba nga lang, si Christopher, mahal siya ng magulang niya. Probably. At nawala lang sila. Ako kasi, buhay na buhay ang parents ko, but they were as good as dead in my sixteen years of existence. Kelan ko lang naman sila nakilala, at hindi pa naging maganda ang pagsama ko sa kanila. But nevertheless, parehas pa rin kami ng sitwasyon ni Christopher.

At dahil nga posible palang umalis ng bansa si Christopher, doon ko naintindihan kung bakit ganun na lang ang pananalig niyang magiging totoo yung hula sa kanya ni Ate Merls. Na magkikita kami ng labintatlong beses at magiging kami in the future. Para bang, pinanghahawakan niya yung hula na yun. Siguro yun ang hinihintay niyang sign. Kasi kapag mangyari yun, hindi na siya aalis ng bansa. Gusto niyang maniwalang magkikita kami ng labintatlong beses kasi malabo palang mangyari yun.

***

Paglabas ko ng bahay agad tumambad sakin ang isang piraso ng pulang rose na nakaipit sa may gate. Si Christopher. Siya lang naman ang gumagawa nito. Napangiti na lang ako sa kalokohan niya at nilagay ko sa bag ko yung rose. So far, may apat na akong rose galing sa kanya. Yung isa kasi ay virtual, yung time na ginawa niyang profile picture yung isang picture ng rose. Napailing na lang ako nang maalala ko yun. Grabe kasi, hanggang ngayon ang weird pa rin ng mga nangyayari sa pagitan namin ni Christopher.

Hindi ko naman maiwasang isipin, paano pa kaya kami sunod na magkikita? Yung una, sa Mcdo. Tapos pangalawa, sa FB. And then sa swimming pool. Tapos sa hagdanan ni Pusakal. And lastly, sa bahay kagabi nung brownout. Sana naman, yung sunod naming pagkikita, yung normal na. Puro kasi kakaiba yung way ng pagkikita namin kaya lalo tuloy akong naloloka. Hindi ba kasi kami pwedeng magkita ng normal o ordinaryo? Yung tipong magkikita kami sa school o sa mall? Yung ganun?

***

At dahil Sabado ngayon, deretso ako sa resort kung saan ako nagtuturo ng swimming lessons sa mga bata. Kahit nakakapagod ang halos buong araw na pagtuturo sa mga bata, nag-ienjoy din naman ako. Ang saya kasi sa pakiramdam na makitang natututo yung mga estudyante mo. Ang sarap makita yung tuwa sa mga mata nila everytime na may naa-accomplish sila. At nakakatuwang pagmasdan yung bonding ng mga bata sa parents nila. Ako kasi, hindi ko naranasang dalhin sa swimming classes ng parents ko. Sariling sikap ko lang yun. Nagsimula kong kahiligan ang paglalangoy noong seven years old ako. Tapos kapag may mga palaro, nagpriprisinta talaga ako na sumali para lang maka-experience ako na makasali sa mga contests hanggang sa naging sport ko na nga siya at ako na bigla ang pambato ng school namin sa mga swimming competitions. Yung biggest achievement ko sa swimming so far, yung sumali ako sa Palarong Pambansa. At kapag nasa isang competition ako, iisang tao lang ang naiisip ko--- si Ulysses, yung younger brother ko. Siya kasi yung number one supporter ko. Paano, dalawa lang kaming magkapatid kaya close kami sa isa't-isa. Two years lang din ang tinanda ko sa kanya kaya medyo nasasakyan namin ang isa't-isa.

Nalungkot ako bigla nang maalala ko si Uly, kung tawagin ko siya, kaya habang nag-aabang ako ng jeep pauwi ay tinawagan ko siya sa phone niya. Agad naman siyang sumagot.

"Ate!" Masayang bati niya sa kabilang linya. "Kumusta ka na?"

"Okay naman. Buhay pa naman. Eh ikaw, bakit hindi ka nagreply sa message ko sayo sa Facebook?" kunwari galit na tanong ko.

"Sorry, Ate. Nasa biyahe kasi ako nun. Galing ako kay Daddy."

Agad nawala ang ngiti ko pagkarinig ko sa sinabi niya. "Bakit ka naman pumunta dun?"

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon