"Sophie! Sophie! May balita ako sa'yo!" Excited na sigaw sa'kin ni Philip pagkapasok niya ng kwarto ko. May dala siyang isang tray ng pagkain at nilapag niya yun agad sa sahig at lumapit sa'kin.
"Ano yun Philip?"
"Tungkol ito kay Christopher! Matutuwa ka dito! Sophie, I think he's really alive!" Pagkarinig ko dun sa sinabi niya ay napatayo ako agad. Nabuhayan ako bigla ng loob at bumilis agad ang tibok ng puso ko. Nagpahid din ako ng mga luha ko mula sa pag-iyak ko kani-kanina lang.
"Talaga? Paano mo naman nasabi yan?"
"Nasa labas kasi ako kanina. May mga tao kasing nagtitipon-tipon doon sa may Baranggay Hall at nakiusyuso ako dun."
"Anong nalaman mo?"
"Yun na nga, may lalaki dun na galing airport," paliwanag ni Philip. "Nakilala ko siya agad, isa siya sa mga teacher sa school---"
"Talaga? O tapos?"
Tumango si Philip. "Oo Sophie! Gaya ng ibang nakita nating papuntang airport, paalis na din sana siya ng Tacloban pero nakatanggap daw siya doon sa airport ng balita na may mga foreign aid daw na darating dito, at sa school natin sila magtatayo ng base. Kinukuha siyang volunteer. At sinabihan nga itong teacher na ito na maghanap pa ng ibang gustong maging volunteer para sa darating na tulong. Mas okay daw kasi kung mga estudyante ng UP ang magiging volunteer dahil mas priority daw nila ang mga estudyanteng nasalanta ng bagyo..."
"Okay, pero ano naman ang kinalaman dito ni Christopher?"
Napatitig sa'kin si Philip nang matagal, inaabangan niya ang magiging reaction ko. "Nagkwento kanina sa'kin itong teacher, Sophie. May nakilala daw siyang mga UP students sa airport na nag-volunteer din. At isa daw sa kanila ay Christopher ang pangalan!"
Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to? Hindi ba ako nagkamali ng dinig?
"Philip, nasaan na ang teacher na ito?"
"Umalis na siya kani-kanina lang," sagot ni Philip. "Pabalik na siyang airport para salubungin yung paparating na mga foreigner. Nagpunta lang naman siya dito dahil may mga kamag-anak siya dito na chineck. Pero Sophie, paano kung ito ngang sinasabi niyang estudyanteng nakilala niya sa airport ay si Christopher nga?"
"Sana siya na nga, Philip! Hindi naman yun imposible!" sabi kong excited na excited. Oh my God, ikaw na ba itong sinasabi ni Philip, ha Christopher?
"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong pa ni Philip sa'kin.
"Gusto kong malaman kung si Christopher nga itong tinutukoy ng teacher," sagot ko agad. "Puntahan natin siya, Philip!"
"Sige, payag ako. Kesa naman sa tumunganga na lang tayo dito, eh wala naman dito sina Tita Raya mo at Adrian. Hindi na rin ako kumbinsidong magiging safe pa tayo rito Sophie, not with those goons running around this place at night..."
Tumango ako. Grateful talaga akong hindi ako kinokontra ni Philip at gusto niya ring makita ko itong sinasabi niyang 'Christopher.' Ang kaso naman, hindi pa rin yun one hundred percent sure na si Christopher King Tiu nga itong sinasabi ni Philip na nag-volunteer para sa isang foreign aid. Kutob pa rin kasi yun.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...