Kulang ang salitang 'gulat' sa mga nangyari.
I can't explain what I was feeling, pero para akong isang video sa Youtube na nag-buff dahil sa mahinang Internet connection. Hindi kasi ma-process ng utak ko yung nangyari at mukhang ibang level na yung gulat factor na dala nitong ngiting-ngiting lalaki sa harapan ko.
At in denial pa rin ako na siya nga si Christopher King Tiu. Sobra kasi akong nagulat, at hindi naman talaga ako nagi-expect na makikita ko pa siya dito. Di ba nga at nasa U.S. na siya?
"Sophie? Sophie?"
Dun lang ako parang natauhan nang marinig ko ulit yung boses niya. Nakatingin siya sa'kin na parang naghihintay na ma-recognize ko siya. At ako naman, na-realise kong nakanganga na pala ako sa kanya, kaya tinikom ko agad yung bibig ko.
"Ako 'to, si Christopher!" Masayang sabi niya sa'kin sa obvious. Actually hindi na niya kailangang sabihin yun. Kahit kasi kulay itim na ngayon ang buo niyang mukha, halata namang siya yun. Boses palang eh.
"Paanong nandito ka?" Bulalas na tanong ko.
"Sumali ako sa Amazing Race," sagot niya naman. Hindi yun yung tinatanong ko pero hindi ko na inulit yung tanong ko. Bigla naman kasi akong inatake nang matinding hiya.
Napaiwas na nga lang ako ng tingin sa kanya dahil naalala ko naman agad yung nangyari kanina lang!Jusko, nahalikan ko nga pala siya!
Na ginantihan niya naman!
At ang masaklap pa, nangyari yun sa gitna nang maraming tao!
Waah! Sobrang nakakahiya lang! Ang sarap na sigurong lisanin ang mundong ito! Nakakahiya na. talaga! Grabe!
Narinig naman naming nagsalita si Tristan nang malakas. "Okay, panalo na ang Team Building!" Yun ang inanunsiyo niya. Tapos itinuro niya si Adrian na nasa likod lang ni Christopher na kagat-kagat pa yung yellow chip. Si Adrian pala ang nakakuha dun sa yellow chip pagkatapos din yung mabitawan ni Christopher!
So kami ang nanalo?
Dahil dun, nakarinig kami ng mga nakakabinging sigawan mula sa team namin lalo na mula kay Denise. Pati sina Tristan at Philip ay nag-cheer na rin at nag-congrats sa'min. Habang kami ni Christopher, well, nakatayo lang kaming magkaharap sa isa't-isa sa gitna ng mga cheers.
Nakatitig kami sa isa't-isa at damang-dama ko dun sa titig niya na masayang-masaya siya for some reason. Napakalapad din kasi ng ngiti niya sa'kin.
"Nanalo tayo, Sophie!" Sigaw naman sa'kin ni Denise na lumapit sa'kin. Tapos pati yung ibang team members, nakigulo na rin sa pamumuno ng pinsan ko na hawak na ngayon yung trophy.
"Tuloy tayo mamaya sa Mcdo!" Sigaw din ni Adrian.
"Yehey!"
Siniko ako bigla ni Denise. "What on earth happened? At sino yang guy na yan?" Tanong niya nang pabulong sa'kin. Hndi siguro nakilala ni Denise si Christopher dahil sa itsura nito kaya ganun yung tanong niya. Ako naman, hindi ko yun nasagot dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano nga ba yung nangyayari!
Nakita ko namang biglang binuhat nina Philip at Tristan si Adrian na parang bayani. Nagsasaya pa rin sila sa pagkapanalo namin. Big deal kasi yun, dahil sabi ni Adrian kanina bago ang game na kung sinong team daw yung mananalo, yun daw ang makakakuha nang pinakamataas na grade sa subject na ito.
At sa gitna ng kasiyahan, nakita kong naglakad na paalis ng station si Christopher kasama yung mga teammates niya.
Kumabog ang dibdib ko dun. Shet, aalis na siya? Yun lang yun, yung accidental meeting namin ngayon?
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...