Nagsitayuan lahat ng balahibo ko nang makita ko siya. Tapos yung ngiti niya, ang creepy.
At talagang inabangan pa niya ako sa labas ng cr! Grabe! Baka mamaya manyak din ito at gahasain bigla ako rito! Wala pa namang tao sa paligid!
"Sophie, are you alright? Namumutla ka..." sabi niya at mas lalo akong kinabahan. Pakinshet hindi siya si Tristan! Kailangang makalayo na ako sa lalaking ito!
"O-Okay lang ako. Sige bye, uwi na'ko..." paalam ko at naglakad na ako palayo sa kanya. Sumusobra ka na sa katangahan, Sophia! Bakit ka pa ba kasi sumama-sama sa hindi mo kakilala?
"Wait Sophie!" habol niya at mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Pursigido si koyang habulin ako at natatakot na talaga ako. Maya-maya ay naramdaman ko nang hinawakan niya ako sa braso. Naabutan niya pala ako agad kaya nagsisigaw na ako. Hinampas ko siya ng bag ko sa ulo niya.
"Aray Sophie!" sigaw niya habang sapo-sapo ang mukha niya. "Bakit mo ako sinaktan?"
Kinuha ko ang pagkakataon para makatakbo palayo mula sa kanya. Diri-diretso akong tumakbo palabas ng AS Building hanggang sa covered walk palabas ng campus. Naririnig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako ang lumingon. Saka lang ako napakalma nang makita ko ang guard sa may gate. Safe na siguro ako.
Naglakad na lang ako ng normal palabas papunta ng Magsaysay Boulevard. Habang naglalakad ako hindi ko naman mapigilang ma-paranoid. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko may masamang balak sa'kin. Todo-iwas ako sa mga taong nakakasalubong ko. Siguro kung nagtagal pa bago ko nalamang hindi yung lalaking yun yung Tristan ay baka na-rape na ako ng adik na yun.
MY GOD TALAGA!
May tumigil na jeep sa harapan ko at sasakay na sana ako nang may ma-realize akong isang bagay! Wala sa akin ang bag ko! Waah! Bwisit! Peste! Naiwan ko dun sa lalaki yung bag ko! Oo nga pala, pinanghampas ko yun sa kanya! Sophie, ang ganda-ganda mong tanga!
Nagpa-panic na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nandoon sa bag ko ang wallet ko at ang ilang mahahalagang mga papeles.
Bakit ko kasi naiwan yung bag ko sa lalaking yun? Paano na niyan ako makakauwi ngayon?
Nakaramdam na ako ng takot kaya tinawagan ko na si Adrian. Umiiyak na kinuwento ko sa kanya ang lahat--- yung pagsama ko sa lalaking akala ko ay yung kaibigan niya hanggang sa paghampas ko sa kanya ng bag ko. With feelings talaga ang narration ko at sige lang ang tawa ng understanding kong pinsan.
"Bakit ka tumatawa? Alam mo bang ng dahil sa'yo kaya nangyari ‘to? Ngayon sabihin mo kung paano ako makakauwi nito!"
Huminto naman agad si Adrian sa pagtawa. "Ang OA mo kasi. Hindi naman siya tunog manloloko o rapist base sa kwento mo. Sabi mo nagpa-enroll din siya di ba? So he‘s a UP student. Natuwa lang siguro sa'yo yung tao kaya sinakyan niya yung pagiging ‘Tristan‘ niya."
"Heh! Ang sabihin mo hindi ka concerned sa'kin!"
Tawa nang tawa si Adrian."Look at it this way... Sinamahan ka niya papuntang school... Kumain pa kayo kina Ate Merls... Tapos ngayon nasa kanya ang bag mo dahil NAIWAN mo. Take note, NAIWAN mo at hindi niya sapilitang kinuha sa'yo. Naks Sophie... nangangamoy---"
"Nangangamoy ano?"
"Nangangamoy bulalo!" sigaw ni Adrian sa kabilang linya at nagawa ko pang matawa sa joke niya. "Siyempre nangangamoy destiny! I-Wattpad na yan!" At nag-unli tawa na naman siya. Ganyan ka-concerned si Adrian sa'kin, tatawanan lang ako kahit seryoso na ang problema ko. Palibhasa only child ang loko kaya sumobra sa pagka-happy-go-lucky.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...