Siguro kung bida lang ako sa isang telenovela o pelikula ay baka kilig na kilig na ako ngayon sa ginawa ni Tristan, este, C. K. Tiu pala. Baka nga nagsisisigaw na ako na 'Destiny na ito!' buong gabi sa kwarto ko.
Kaso hindi eh. Kinilabutan lang tuloy ako. Kasi naman di ba? Hello? Anong klaseng tao ba itong si C. K. Tiu na ito at parang nasobrahan naman yata sa panonood ng mga romantic movies? Tapos naniniwala pa siya sa hula-hula. Watdahek.
At ano daw? Thirteen times daw kaming magkakatagpo ng hindi namin pinagpla-planuhan? Da hek! Posible naman kasi talaga yung mangyari kahit wala ang destiny-destiny at hula-hula na yan. Schoolmate kaya kami! Kaya malamang ay magkikita at magkikita kami in the near future, gago ba siya?
At may sinulat pa siya dun sa card na iniwan niya sa loob ng bag ko. Magiging girlfriend na daw niya ako 'pag makatanggap ako ng thirteen roses mula sa kanya. Ang OA at ang lakas maka-romcom ni koya! Nawiwindang ako kasi ngayon lang ako nakakilala ng lalaking paniwalang-paniwala sa destiny na yan. May paiwan-iwan pa siya ng rose at card.
Oh well, gwapo naman siya at mukha namang mabait, (mabait talaga siya Sophie, sinakyan kaya niya ang katangahan mo!) pero hindi talaga ako isang romantic na tao at lalong hindi ako nagpapaniwala sa mga hula, tadhana, o kung ano pang klase ng kakornihan. Feeling ko kasi yang mga ganyan ay imaginary concepts lang ng tao at sa mga palabas lang sa tv o pelikula nagi-exist.
Sa sobrang paranoid ko naman ay sumilip pa ako sa labas mula sa bintana ng kwarto ko para i-check kung nasundan ba ako ng lalaking yun hanggang dito sa bahay. Mamaya stalker pala yun. Sa UP pa naman, hindi lang matatalino ang naglipana kundi pati mga wirdo at yung may mga kakaibang trip sa buhay. Kaya hindi na ako magtataka kung stalker nga talaga yung C. K. Tiu na yun.
Hindi rin ako pinatahimik ng rose at card niya kaya tinago ko sila sa loob ng isang shoe box. Pero hanggang sa pagtulog ay naiisip ko pa rin ang lalaking yun at naiinis ako.
Oo, alam ko namang ang tanga ko para pagkamalan ko siyang siya yung Tristan pero bakit di ko siya matanggal sa isip ko? Nagi-guilty ba ako sa paghampas ko sa kanya? Bakit pa kasi siya naglagay ng P.S. na nagsasabi na namaga pa ang pisngi niya sa hampas ko?
Argh! Ang lakas maka-guilty!
Naaasar ako kasi kapag naiisip ko yung Tristan o C.K. Tiu o kung sino man yun ay naaalala ko lang yung katangahan ko. Ako pa naman yung tipo ng taong mahirap kalimutan yung mga awkward moments na nai-experience ko. Kaya naisip ko na lang, kapag nakita ko ulit yung lalaking yun ay hihingi ako ng sorry sa ka-shungahan ko at pakikiusapan ko siyang tigilan na niya ako sa tadhana chorva-chorva niya. Siguro naman titigil din yun 'pag nakita niyang hindi ako natutuwa sa mga kalokohan niya sa akin.
***
First day of classes at ilag na ilag ako agad sa tindahan ni Ate Merls kahit niyayaya ako ng mga bago kong classmates na doon kami mag-lunch after ng classes namin. Tinanggihan ko sila kasi baka makita ko pa yung lalaking yun doon at nakakahiya lang talaga. Naiinis nga ako sa situation ko kasi nakikipagkaibigan na nga yung mga classmates ko sa'kin ay tumanggi pa ako. Mamaya isipin pa nila maarte ako kaya ayaw kong sumama sa kanila. Di lang nila alam, gutom na gutom na 'ko kanina pa! Kung hindi ko lang talaga iniiwasan ang lalaking yun, baka kanina pa 'ko sumugod doon!
"Uy, nag-lunch ka na ba?" tanong sa'kin ni Philip at tinabihan niya ako sa table. Nasa classroom lang ako at nagbabasa ng assigned readings para sa next class namin. "Bakit nandito ka lang sa classroom?"
"Eh ikaw din akala ko sumama ka sa mga classmates natin? Bakit ka pa nandito?" tanong ko rin. Ngumiti si Philip sa'kin nang bongga bago magsalita. Ay ang cute mo talaga Philip. Sarap mo ring gawing keychain.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...