I didn't know what to say to him. Oo, medyo nakakatuwa na gusto niya ako. Medyo nakakakilig rin na nagseselos siya at medyo nakaka-flatter na naniniwala siyang ako ang nakatadhana para sa kanya. Pero watdahek, kasing timbang ng lahat ng magagandang feeling na yun 'yung creepy feeling na nararamdaman ko kasi sumusulpot na lang siya bigla. Feeling ko tuloy bawat kilos ko pinagmamasdan niya.
Ah basta, nakakapraning siya!
Kaya hindi ako nakapagsalita agad. "Sophie... tell me, siya ba ang crush mo?" ulit niya sa tanong niya sa'kin kanina. He was looking at me expectantly. I was about to answer when Philip came back.
"Sophie tara na, magsisimula na 'yung movie..." he said as he noticed Christopher. "O, di ba ikaw si Christopher?"
Tumango naman si Christopher pero di siya nagsalita. Pakiramdam ko may pagka-awkward sila sa isa't-isa kaya ako na ang nagsalita. "Sige Christopher aalis na kami," I said waving to him.
"Pare, gusto mo bang sumama ka sa amin manood ng sine?" tanong bigla ni Philip kay Christopher na ikinagulat ko pa. Huwat? Inanyayahan niya talaga itong lalaking ito na sumama sa amin na manood ng movie? Huhubells. Pano na ang supposedly 'date' namin?
Tinitigan ako ni Christopher. Siguro halatang-halata sa mukha ko 'yung disappointment kasi akala ko 'duma-damoves' na sa'kin si Philip tapos bigla siyang mang-i-invite ng iba sa movie at nabasa yun ni Christopher sa mukha ko kaya bigla siyang tumanggi.
"Hindi na, kayo na lang," sagot ni Christopher. He looked defeated at parang naawa naman ako bigla sa kanya. "Pauwi na rin ako..."
"Sige, pare," sagot naman ni Philip at tinapik niya sa balikat si Christopher. Nagpaalam na ang huli sa'min at umalis na siya ng bookstore. Naiwan kami ni Philip doon para bayaran ko 'yung libro ko tapos pumunta na kami sa sinehan.
Hindi ako makapag-focus sa pinapanood namin ni Philip. Naiisip ko kasi si Christopher. Nakakaawa naman siya. Siguro masyado siyang nasaktan sa pagre-reject ko sa kanya at sa pagsama ko kay Philip.
Well, Sophia, tama lang lahat nang ginawa mo. Hindi ka dapat makonsensya kasi may karapatan ka namang piliin kung sino ang magugustuhan mo. And as of now, si Philip yun.
"Uy, Sophie," untag sa'kin ni Philip sa tabi ko. "May problema ba? Kanina pa kita kinakausap kaso di ka umiimik..." he said grinning to me.
"Ha? Naku, sorry. May iniisip lang. Ano ba yan, kaloka." Tumawa siya ulit nang mahina at iniabot niya sa'kin 'yung popcorn na hawak niya.
"Si Christopher ba ang iniisip mo?" tanong niya.
"Ha? Ah eh ano kasi..." Nabubulol na ako kasi naging awkward ako bigla. Paano ba naman kasi, tinatanong ni Philip kung iniisip ko si Christopher! Megash, ano 'to? Nagseselos ba siya!? Sana nagseselos siya! At teka, does that mean na somehow ay interested siya sa'kin at inaalam niya kung anong meron sa amin ni Christopher? Nati-threaten na ba siya kay Christopher? Eto na ba 'yung love life na inaasam-asam ko o masyado lang akong assuming? Megad kinikilig ako, enebe!
"Friends na ba kayo?" tanong pa ni Philip. He was looking at me intently and I wanted to think na interested nga talaga siya sa'kin.
"Parang ganun," sagot ko. "Nag-usap kami kanina."
Tumango naman si Philip. "Mabuti naman. Akala ko pa naman awkward pa kayo sa isa't-isa dahil sa nangyari sa inyo nung enrollment. Kaya nga niyaya ko siyang sumama sa'tin kasi para mawala ang ilangan niyo sa isa't-isa..."
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...