Chapter Sixteen

885 47 4
                                    

Nagtilian ang mga prof nang lumapit ako sa kanila.

"Oh my, siya ba? Siya ba si Sophia?" Excited na tanong ng isa sa apat na teachers na nakapalibot sa Prof ko sa English 2. Tumango naman ang prof ko kaya mas lalo pang nagtilian ang mga teachers.

"Nakakakilig naman!"

"Destiny nga talaga sila!"

"Gusto ko rin ng ganyang love story!"

Napa-face palm na lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong ire-react. Nakakaloka!

Kinausap naman ako ng prof ko. "Miss Villamor, pinagkasunduan niyo ba ni Mr. Tiu na pareho kayo ng topic na isinulat para sa homework niyo?"

"Ha? Naku...hindi po Ma'am! Wala po akong idea na ganun din po ang isusulat niya!"

Lalong nagtilian ang mga kasamang teachers ng prof ko. Na-awkward nga ako sa kanila eh. Kahit sanay na ako sa mga teachers dito sa UP, siyempre awkward pa rin na makitang kinikilig sila na parang mga teenagers.

Sa UP kasi, kung open-minded at medyo may pagka-liberated ang mga estudyante, mas lalo naman ang mga teachers. Nariyang may naging prof ako sa Diliman na hippie, may parang sumasamba ng kulto, at may member pa ng frat. Samu't-saring klase na rin ng mga teachers ang nakilala ko kaya hindi na sana bago sa'kin na makakita ng mga teachers na parang mga estudyante lang kung gumalaw.

Lalo na itong mga teachers na kasama ng prof ko sa English 2, na mukhang nasa mga mid-20's palang naman. Naghagikhikan sila na nakatingin sa'kin.

"You mean...talagang coincidence lang na pareho kayong sumulat ng essay na ganun ang topic?"

Tumango ako.

"Wow! Talk about destiny!"

"Kayo na ang itinadhana!"

"Waah! Magkakatuluyan kayo for sure!"

Kinulit pa ako ng mga teachers at ang dami na nilang tinatanong. Lalo na kung may gusto na daw ba ako kay Christopher. Na-conscious tuloy ako bigla doon sa pinagsusulat ko doon sa essay ko.

Waah! Ang dami pa namang personal na bagay ang sinulat ko dun! Tulad na lang ng sinabi ko dun na kahit ako, medyo naglo-look forward na sa mga accidental meetings namin!

Jusko! Gusto ko na talagang maglaho!

"Miss Villamor! Grabe, nakakakilig naman kayong dalawa! Imaginin mo yung gulat ko nang magcheck ako ng mga homework niyo tapos may mababasa akong dalawang homework mula sa magkaibang classes ko tapos pareho ang topic nila! Kung paano sila magkakatagpo ng labintatlong beses!"

"Ah eh..."

"Mukhang may susubaybayan na akong bagong love team sa school!"

"Oo nga eh!"

Hindi pa rin nila ako tinigilan at naloloka na talaga ako. Kinulit nila ako na maging kami na daw ni Christopher. Hay naku! Nakaka-stress!

Buti na lang at kinailangan na nilang umalis ng cubicle kaya tinantanan na'ko ng mga teachers. Pero sinabi nilang hihingi daw sila ng update sa'kin. Parang ayoko na tuloy pumasok sa mga classes ko lalo na sa English 2. Natural magiging awkward na rin kasi sa'kin ang subject na yun.

Umuwi na rin ako dahil wala na rin naman akong gagawin sa school. Hapon na rin naman. Napadaan ulit ako sa tindahan ni Ate Merls dahil doon ulit ako magbabantay ng taxi.

"Sophie!"

Napalingon ako dun sa tindahan kung saan galing yung boses na tumawag sa'kin. Naroon si Denise na kumakaway sa'kin. Kasama niya sina Zoren, Philip, at ang pinsan kong tukmol. Mukhang nagmemeryenda sila.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon