Chapter Fifteen

974 47 7
                                    

Madrama ang buhay ko noon sa Manila. Aminado naman ako dun. Tanggap ko pa nga yun eh, although medyo natagalan bago ko siya totally natanggap na ganun yung mga nangyari sa'kin at sa pamilya ko.

Sa sobrang drama ng buhay ko, pwede na nga siguro akong bumida sa mga teledrama. O pwede rin sigurong isabuhay ng Magpakailanman o MMK ang kwento ng buhay ko. Ganun kasaklap.

Syempre, ilang percent ba ng populasyon sa Pilipinas ang may balat ata sa pwet para makidnap at makaranas ng matinding trauma afterwards? Ilang bata ba ang tulad kong namuhay sa kasinungalingan at kung hindi pa maki-kidnap, ay hindi pa malalamang hiwalay pala ang mga parents niya na akala niya ay nasa abroad lang para magtrabaho? Di ba? Ang drama? Parang isang plot galing sa isang teleserye na hindi nagpatalo sa kidnapan at mga rebelasyon? Sinong hindi matro-trauma?

Na-kidnap ako three months ago. Nasa Diliman pa'ko nun. Di ko na exactly matandaan kong anong ginagawa ko nun, pero basta na lang may lalaking humila sa'kin papasok ng isang van habang naghihintay ako ng taxi.

At yun. Nagising na lang akong nasa isang kwarto at dun ko nakita ang mga kidnappers ko.

Wala naman silang ginawa sa'kin. Hindi naman nila ako pinagsamantalahan or what. Actually parang hindi naman ako kinidnap, although yun yung lumabas na nangyari.

I was missing for about a week. Nandun lang ako sa bahay na yun. Iyak nang iyak. Umaasang may sasagip sa'kin. I was starting to lose hope when I saw my mother enter the room. And then my world collapsed.

Literal.

Literal na gumuho ang mundo ko. I felt betrayed. Syempre, hindi ko kinatuwa na nanay ko pala ang 'kidnapper' ko. At nang malaman ko ang reason niya?

Well, I cursed her. I almost wanted to kill her that instant. But then again I was only a child and I could do nothing but cry.

Nang makabalik ako, iisa lang ang nasa isip ko. Ang umalis.

Why would I stay with the people who hurt me?

Hindi ako masokista. At lalong hindi ako sadista. So what I did, I cleared my clearance in Diliman and bought a ticket to the province.

You could say that I was a coward. Medyo totoo. Kasi mas pinili kong umalis kesa harapin yung mga taong nanakit sa'kin. Mas pinili ko pa ring umalis kahit maiiwan si Uly. At mas pinili ko pa ring umalis kesa tanggapin ang milyon-milyong sorry ng mga magulang ko. Yes, it was cowardice.

But I didn't care. Gusto ko lang tumakas. Sabi ko nun kay Uly, panandalian lang naman yung pag-alis ko. Babalik ako.

Babalikan ko siya.

I just wanted to heal first. Yun naman ang tamang gawin di ba? Heal yourself first before you forgive the people who gave you those wounds. Siguraduhin mong sa oras na mapapatawad mo na sila, ay bukal na sa loob mo yung pagpapatawad at hindi lang dahil sa kailangan mong magpatawad kasi pamilya mo sila.

Yun yung ginagawa ko ngayon. Kaya ako lumayo. Ayokong maging pilit yung pagpapatawad ko. Kasi oo, handa akong magpatawad. Pamilya ko yun eh. Kaso kung kelan ako magiging handa na magpatawad, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Kaya nga ang bigat sa feeling na somehow ay may connection si Christopher sa nangyari sa'kin dati. Naging friend ko siya sa Facebook dahil kinidnap ako. Siguro kung hindi ako natrauma dun, baka natawa na ako sa nalaman ko. Eh kasi naman, may sense na yung kababalaghang yun ngayon. Kaya naman pala hindi ko matandaang kinonfirm ko yung friend request ni Christopher bilang si Flynn Ryder ay dahil sa hindi ko talaga siya kinonfirm in the first place. It was my brother.

Naiintindihan ko na. Ginamit ni Uly yung Facebook ko to search for clues kung asan ba talaga ako. Well, malay naman kasi ng kapatid ko kung asan ako, at siguro naisip niya na baka kakilala ko lang yung dumukot sa'kin so sinubukan niyang mag-log in sa account ko. Buti na lang talaga may talent siya sa paghuhula ng password ko, which was cookiesandcream. Haha. Yun password ko. Pero binago ko na ngayon.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon