Chapter Thirty One

609 31 4
                                    

There are some people that will make us feel lucky and blessed because they came into our lives just when we need someone like them. They are just too good to be true and to good to be called ours that we can't just imagine hurting them. And when we do, we feel like we were evil and stupid enough to hurt someone like them.

Someone like Christopher.

Hindi ko naman alam na mangyayari yun. Na masasaktan si Christopher at wala man lang akong nagawa para mapigilan yun. Of all people, I didn't want him to get hurt because he's the person that I like the most in the whole world.

Hindi ko na siya makontak nung gabing yun, yung gabi ng birthday ni Daddy. Sobrang kakaibang sakit ang naramdaman ko nang ma-receive ko ang text niyang yun at nang hindi ko na siya mahagilap pagkatapos. Iyak ako nang iyak kasi akala ko galit siya sa'kin. Basta sobrang sakit nung feeling kasi siya yung tipo ng taong minsan lang nagagalit kaya magi-guilty ka pag nagalit na siya.

Ang problema ko pa, ni hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagtext nang ganun. Sa pagkakatanda ko kasi wala naman akong nagawa sa kanya na ikasasama niya ng loob. Kaya nung makauwi na kami sa bahay namin, niyaya ko si Uly na puntahan sana si Christopher sa Marikina para alamin kung anong nangyayari sa kanya kaso tadhana nga siguro na hindi ko siya makita.

"Ate, gabing-gabi na oh. Tsaka alam mo ba kung pano pumunta sa kanila?" Tanong ni Uly pagkapasok namin nang bahay. Napasalpak siya sa sofa namin habang ako naman eh nakatayo pa rin sa may pinto at hindi mapakali.

"Hindi nga eh," malungkot na pag-amin ko at mas nataranta tuloy ako. Ewan ko ba, hindi naman ako ganito. Dati kasi pag may kaibigan o ka-close akong nagtatampo sa'kin, hindi naman ako ganito na sobra kung ma-bother. Kadalasan hinahayaan ko lang naman yun hanggang sa lumipas. At usually hindi talaga ako ang nauunang gumawa ng move para magkaayos kami.

But with Christopher, it's totally a different story. Ayoko yung feeling na may problema kami at lilipas ang oras na hindi yun naayos. Ayokong ganun yung treatment niya sa'kin dahil ang sakit-sakit sa puso. At mas lalong ayokong may hindi ako alam sa kanya o nangyari sa kanya dahil feeling ko mababaliw ako pag di ko malaman kung anong dahilan nung tampo o galit niya.

Nakakaloka lang. Hindi ako sanay na ganito. O baka dahil first time kong maramdaman yung ganito kaya ako hindi mapakali. Syete, ang hirap pala talaga pag na-in love ka na. Nakakatuyo ng brain cells. Nakakamaga ng mga mata sa kakaiyak.

"Okay lang yan, Ate. Magkikita pa naman kayo sa school niyo di ba," sabi ni Uly pero naiiyak na talaga ako dahil hindi yun totoo. Next week na ang alis ni Christopher papuntang Amerika kaya kung mananatili kaming ganito, baka umalis talaga siya ng bansa na hindi man lang kami nagkikita. And I don't want that to happen. Ever.

"Uly, what if ikaw kaya ang tumawag sa kanya? Baka sakaling sagutin niya. Di ba nagka-text naman kayo kahapon?"

Parang namutla naman si Uly doon sa sinabi ko. "I don't think sasagutin niya ang tawag ko, Ate."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi... A-Ate actually parang alam ko kung bakit nagtext sa'yo nang ganun si Kuya Flynn---"

Kinabahan ako dun, at kahit nakakatuwa yung part na Kuya Flynn yung tawag niya kay Christopher.

"Uly, what do you mean? May sinabi ba sa'yo si Christopher?"

Napakamot pa si Uly sa ulo niya bago siya magkwento. At doon ko na nga nalaman kung anong posibleng nangyari.

"Ate kasi, nakausap siya ni Daddy sa phone..." Uly confessed. Gulat na gulat ako doon dahil para sa'kin, nasa magkaibang dimensyon sina Christopher ar Daddy at imposibleng magkita sila. Para silang mga characters sa magkaibang kwento kaya nakaka-shock lang na marinig yun.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon