Chapter Thirty Six

566 32 3
                                    

Walang duda, buhay nga talaga si Christopher. Hindi siya nalunod, hindi siya namatay. Dahil hinulaan ako dati ni Ate Merls. Magkikita pa kami. Kailangan ko lang magpakatatag.

Kailangan ko lang magtiwala. Lalo pa't sabi nga ng mga estudyante sa school, hindi pa pumapalya si Ate Merls sa mga binibigay niyang hula. Kami pa rin ni Christopher ang nakatadhana sa dulo. Kami pa rin.

Inuulit-ulit ko sa utak ko ang lahat ng ito na para bang ito ay lyrics ng isang kantang kabisado ko. Yun na lang kasi ang kaya kong gawin. Ang lakasan ang loob ko with the help of my faith with Christopher.

Nagising naman kami ni Philip kinabukasan sa ingay ng mga tao sa labas nang tinuluyan naming laundry shop. Sumilip na naman kaming dalawa sa bintana para alamin kung ano ang nangyayari sa labas. Baka may mga tao na naman kasing may mga dalang baril.

Ngunit iba ang nakita namin sa labas. Nagsisigawan, nagtutulakan, at nag-aagawan na naman ang mga tao sa labas. May mga dala-dala silang mga bagay. Ang iba ay mga pagkain. Yung iba ay mga ibang gamit.

"Anong nangyayari sa kanila?" Tanong ko kay Philip.

"I don't know Sophie, pero tingnan mo...may mga dala silang mga items na parang galing sa mall."

Napanganga ako dahil may naalala ako. "Ay oo nga pala Philip! Di ba malapit na tayo dito mula sa mall? Hindi kaya pinasok na ng mga tao yung mall at pinagkukuha yung mga tinda sa loob?"

"It can't be helped," reply ni Philip. "Isang malaking kalamidad ang nangyari dito. Kahit saan ka tumingin puro wasak ang paligid. Natural lang na mag-looting ang mga tao sa mall."

Nalungkot ako para sa mall na yun. Memorable kasi para sa'kin ang particular na mall na yun. Doon kasi kami unang nagkita ni Christopher, sa loob ng Mcdo. Doon niya din ako dinala nung gabing pumunta dito sa Tacloban at nilibre niya ako nang maraming pagkain.

My God, ang dami na palang memories para sa'kin nung lugar.

"Kahit tayo ay kailangan na ding maghanap nang makakain, Sophie," untag sa'kin ni Philip. "Halika, lumabas tayo at maghanap nang makakain."

"Pero Philip, natatakot ako. Baka magkagulo na naman..."

"Sana wala nang ganun," aniya. "Parang na-trauma na nga rin ako dun sa mga lalaking pumasok sa'tin last night. I think hindi na safe ang lugar na ito para sa'tin..."

"Umalis na lang tayo dito..." pakiusap ko kay Philip.

"Pero saan naman tayo pupunta?"

Napaisip ako. "Sa Marina!" Sagot ko. "Umuwi na tayo kina Tita Raya, Philip... Wag na tayo dito. The faster we get out of here, the better."

Philip nodded. "Sige, maghanda ka na."

Ang advantage na sa isang laundry shop kami napatambay ay ang biyayang nakapagpalit kami ni Philip ng mga suot naming damit. Talaga namang nangangamoy na rin kasi kami dun sa mga suot namin. Ewan ko nga ba kung bakit ngayon lang naming naisipang kumuha ng mga damit na nakatambak sa loob ng laundry shop. Maaayos pa naman sila. Ni hindi nga rin sumagi sa isip ko na darating ang araw na kahit simpleng damit ay magiging napakalaking bagay na para sa akin.

Mabilis kaming naglakad ni Philip palabas ng downtown, palayo sa mga tao. Huminto lang kami ng may madaanan kaming bakery naman at kumuha kami doon ng mga basang tinapay. Wala ang may-ari noon at hula ko ay umalis na rin ito ng downtown para sa kaligtasan niya.

Matagal ang paglalakad namin at paminsan-minsan ay may mga taong tinatawag kami ni Philip. Yung iba niyayaya kaming sumama na sa kanila, aalis daw sila ng Tacloban. May mga papuntang Samar pa nga ang ilan sa kanila. Lahat sila, sinasabi sa'ming iwan na namin ang lugar.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon