Chapter Thirty Five

553 33 3
                                    

Tumakbo ako nang tumakbo palayo sa mga tao, palabas nang sira-sirang airport. Alam kong kahit gaano pa kalayo ang takbuhin ko ay hindi ko na matatakasan pa ang katotohanang posibleng wala na si Christopher, pero tumakbo pa rin ako.

Hindi ko lang talaga kayang tanggapin yung posibilidad na nasawi na siya. Ang hirap i-digest, ang hirap i-internalize. Para akong nasa isang bangungot na hindi ko matakasan, at hindi ko na kinakaya yung pinagsama-samang emosyon na nasa loob ko ngayon.

Kaya nang matapilok ako sa kakatakbo, hindi na ako makatayo dahil sa sobrang paghagulhol.

Gusto na kitang makita, Christopher. Asan ka na? Kanina lang ay magkasama pa tayo eh...

How can you be gone just like that?

"Sophie!"

Napatayo ako agad pagkarinig ko sa boses nang tumatawag sa'kin. Feeling ko nga ay baliw na ako dahil bawat boses na lang na tumatawag sa akin, inaakala kong boses ni Christopher. Kaso hindi eh.

Si Philip yun. Huminto siya sa tabi ko na hinihingal, hinabol niya pala ako.

"Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang?" Tanong niya. Chini-check niya kung may mga galos ba ako mula dun sa pagkakadapa ko pero umiling na ako agad.

"Okay lang ako..." Nagpahid ako ng luha pero parang wala na rin iyong silbi dahil hindi ko mapigilan yung pag-iyak ko.

"Sophie...bakit ka tumakbo? Paalis na yung eroplano!" Sabi niya pa sabay turo sa direksyon ng eroplano na kanina ay pinilahan ko pa. Umaandar na ito ngayon at malamang ay puno ito ng mga tulalang survivors paalis ng lugar na ito.

"Hindi ko kayang umalis..." mahinang sagot ko.

"Pero hindi tayo pwedeng manatili rito..." sabi niyang halos pakiusap na niya sa'kin.

"Bakit mo ako sinundan, Philip?" Tanong ko naman sa kanya pabalik. "Naiwan ka din tuloy ng eroplano!"

Umiling agad si Philip. "Hindi ako aalis ng Tacloban na hindi ka kasama! Baka mapano ka pa! Baka bumagyo na naman---"

At natigilan ako dahil napaiyak na rin si Philip bigla. Humahagulhol siya sa harapan ko habang hawak ang mga kamay ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya sinabayan ko na rin yung pag-iyak niya.

"Bakit mo pa kasi ako hinabol? Hindi mo na ako dapat hinabol... Naiwan ka na tuloy ng eroplano..."

"Sophie, hindi kita kayang iwanan dito, naiintindihan mo ba?" Sabi niya pang umaagos ang luha sa mga mata niya. Hindi niya na rin siguro kayang kimkimin yung sakit na nararamdaman niya. Namatayan din siya ng mga kapamilya, kaya alam kong mabigat talaga ang pakiramdam niya ngayon.

"Siraulo ka ba Philip? Bakit mo ako uunahin? Pano yung pamilya mo?"

"Dahil mahal kita! I care for you!" Sigaw na niya at natameme na naman ako dun. Garalgal na ang mga boses namin pareho at seryoso niya akong tinititigan. "Ayokong maiwan ka dito... Naiintindihan mo ba yun?"

Tumango ako kahit nahihiya ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi inexpect na maririnig ko yun ngayon sa sitwasyon namin.

"Sophie...alam kong hindi ako ang gusto mo pero please makinig ka naman sa'kin... Kailangan nating makaalis dito..."

I shook my head crying. "Sorry Philip pero hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nahahanap si Christopher pati sina Tita Raya at Adrian. Mauna ka na, susunod na lang ako..."

Pero makulit si Philip. Wala yata talaga siyang balak na iwanan ako. "Kung hindi kita mapipilit na sumama sa'kin, ako na lang ang sasama sa'yo."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon