Finally! Tapos na!
Akala ko hindi ko na ito matatapos eh. Hahaha. Sobrang satisfying lang ngayon, na tapos na siya. 2014 ko pa 'to sinimulang sulatin kasabay ng Star Boy. Nakakatuwang nagkaroon din ito ng readers kahit alam niyo namang sobrang bagal ko mag-update. Between my busy life, writer's block and katamaran, I was able to continue writing this because of you guys. Everytime I see people vote, comment, and message me in this story I get really excited. Pakiramdam ko kasi dinala din kayo ng tadhana sa story na 'to accidentally. Kaya kahit matagal ako magsulat (probably because Sophie is a girl and I had a hard time writing her pov) pinagpatuloy ko pa rin kasi tulad ni Sophie hindi ako quitter. Mas okay namang masabihang mabagal mag-update kesa masabihang paasa. Hahaha. Kaya sobrang thank you for reading this.
In case curious lang kayo, talagang binase ko sa mga tunay na tao ang mga characters sa story na 'to (Ate Merls, Pusakal) dahil inspired ng mga totoong nangyari ang plot ng story na 'to.
I had friends/classmates who experienced Yolanda. At sobrang takot ko nun para sa kanila nung malaman ko ang nangyari sa Tacloban (dahil sinwerte akong wala dun nung time na yun.) Hindi ko lang kasi basta-basta mga kaibigan yun. Marami na rin kaming pinagsamahan through thick and thin. Kaya grabe yung takot ko na after Yolanda hindi ko na sila makikita. Pero sa awa ng Diyos, lahat naman sila nakaligtas. Hindi ko nga lang kinaya mga kwento nila ng mga experiences nila nung bagyong yun nung nagkwentuhan kami after a year. Kaya naisipan kong magsulat ng isang story para sa kanila at sa mga Yolanda survivors dahil sumaludo ako sa katatagan nila.
Kaya naman kung gusto niyong i-share sa ibang readers itong kwentong ito, please please nakikiusap ako na huwag niyong sabihing tungkol ito sa mga Yolanda survivors para hindi sila ma-spoil. Para ma-feel din nila yung gulat na ah, tungkol pala to sa Yolanda. I think it's best that way because for me its the essence of this story. You will never know when will a tragedy come, so its best if we are always ready to face any challenges.
Christopher and I share the same thoughts about our destiny; for me it's not something absolutely written on stone but it is not also what we always want it to be. For me destiny is a process. A step-by-step guide to your destanation. A point where you could feel complete. And I hope that after reading this you will see destiny in a different light too.
Again, maraming salamat sa pagbabasa nito. Sobrang naienjoy ko ding isulat to kahit sobrang drama ni Sophie. Kahit sobrang honest ni Christopher. There was a time when I interviewed my female friends just to have a clue on how to write a girl's pov. And I hope nabigyan ko naman ng justice si Sophie, hahaha.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...