Chapter Nine

832 52 1
                                    

I stared at Christopher as he pulled me away from the stairs. Grabe 'yung kaba ko kanina, muntik na yata akong atakehin sa puso!

Naglakad kami papunta sa kabilang hagdan at hindi pa rin mawala-wala 'yung kaba ko. Hanggang sa makarating kami sa room ko ay tulala pa rin ako. Holy packing tape kasi, hinatid ako ni Christopher sa room ko!

"Sophie..." he whispered as we reached the room. "Ikaapat na beses na tayong nagkatagpo. Isn't that intriguing?" Ngisi siya nang ngisi sa akin.

Hindi ko na pinansin 'yung sinabi niya at binuksan ko na lang 'yung pinto sa sobrang takot ko na super late na 'ko. "Salamat Christopher ah, for saving me." Nginitian ko na lang siya bago ako tuluyang pumasok sa room. Pero laking gulat ko nang makita kong walang tao sa room kahit isa!

Kaya agad kong tinawanagan si Philip at mabuti na lang at sinagot niya. Oh my God, nag-change ba kami ng room ng hindi ko nalalaman? Paano na 'yung quiz? I'm sure super late na ako!

"Sophie! Nasaan ka? I was very worried about you!" Bungad ni Philip sa telepono. At imbes na kiligin ako dahil worried siya sa'kin ay lalo lang akong kinabahan. Siomai, nahuli na yata talaga ako sa quiz! I was good as absent!

"Philip asan kayo? Bakit wala kayo dito sa classroom? Oh my God don't tell me---?"

"Relax, Sophie," sagot ni Philip and I could hear his soft laugh on the phone. "Nasa office na ako ng Student Council. Hindi tayo nag-quiz dahil hindi dumating si Prof."

"Ha?"

"Hindi tayo nagklase," paliwanag pa ni Philip. "At lalong hindi tayo nag-quiz. Hindi dumating si Prof. Fuentes kaya nagsialisan na kami. Since nasa University Code naman na considered cancelled ang isang class pag twenty minutes ng wala pa ang Professor. Kaya umalis na kami after waiting for twenty minutes. Tinatawagan at tini-text kita kanina but you weren‘t responding."

I felt relief wash all over me. "Ganun ba? Buti na lang... Naku, muntik na akong magkaroon ng heart attack. Sana pala binasa ko muna 'yung text mo o sinagot ko muna 'yung tawag mo para hindi ako nataranta. Ang shunga ko talaga."

Natawa si Philip sa kabilang linya. I found his laugh so cute, at bumalik na 'yung kilig sa sistema ko. "Saan ka pupunta ngayon? Uuwi ka ba? 4pm pa ang next class natin, at hindi kita masasamahan ngayong tumambay. May meeting kasi ang Student Council---"

"Ano ka ba!" nahihiyang putol ko sa sinabi niya. "As if naman required kang samahan ako everytime. Okay lang ako, baka magtambay ako sa library. O di kaya ay magpunta ako sa mall."

"Okay. Basta Sophie... Yung sinabi ko kagabi... We'll talk about us later..." Tinapos na niya ang tawag at naloka na naman ako. Ano 'yung 'us' na sinasabi niya? Jusko, totoo na ba ito? Magkaka-lovelife na ba ako?

I'm excited. Excited ako sa posibility na finally, baka magkaroon na rin ako ng boyfriend. I didn't know if I already liked Philip that much to commit myself to him on a relationship, pero di ko maikakailang nakaka-excite. Siyempre, first boyfriend. First love. Whatever this is, it was exciting.

Pero may inaalala ako. Kung liligawan na nga ako ni Philip, sasagutin ko ba talaga siya? Would I really let a person in inside my messed up life? Handa na nga ba ako? And what would he say, kapag malaman niya ang hinanakit ko sa parents ko? Would he judge me? At pano kung mapagdesisyunan kong hindi pa pala ako handang pumasok sa isang relasyon? Would he understand? Would he wait until I'm ready?

Ang daming agam-agam sa utak ko at di ko maiwasang kabahan kapag naiisip ko ang mangyayari sa'min ni Philip. Takot na akong masaktan ng mga taong mahal ko, kaya siguro natatakot akong ma-in love. I was prolonging whatever this was I was feeling for Philip because I was afraid to trust again... to love.


Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon