Chapter Twenty Three

797 45 12
                                    

Medyo na-disappoint ako dun sa nalaman ko. Although hula lang naman yun at hindi naman talaga ako sigurado kung tama ba yung hinala ko, nakaka-disappoint pa rin nang ma-realise kong nineteen letters nga ang mga letra sa pangalan ni Philip.

Para nga akong tanga na paulit-ulit pang binilang yung letters sa pangalan niya dahil baka nagkamali lang ako. O baka dinadaya lang ako ng paningin ko. Pero hindi, nineteen letters talaga. Kaya di ko rin maiwasang isipin na baka si Philip nga yung para sa'kin. Yun yung hula ni Ate Merls eh.

"Pero bakit ko ba iniisip yung hulang yun?" Tanong ko sa sarili ko. Nasa loob ako ng cr at naliligo. Nitong mga nakaraang araw ay nagsimula ko nang mapansin na kinakausap ko na pala yung sarili ko nang malakas, madalas sa cr at sa kwarto ko. Sign na nga yata eto na kailangan ko nang magpa-check up sa isang psychiatrist.

"See? Nababaliw ka na Sophia," sabi ko pa habang shina-shampoo ko yung buhok ko. "Masyado ka nang nagpapadala sa mga hula-hula na yan. Eh ano naman kung nineteen letters ang pangalan ni Philip? Hindi lang naman siguro siya ang may pangalan na may nineteen letters di ba?"

Pero naalala kong nagpahula nga rin pala si Philip dun kay Ate Merls. At yung hula naman kay Philip, magkakaroon daw kami ng eksena ni Philip sa future na naghahalikan daw kami. At hindi lang basta isang normal na kissing scene, yung kissing scene pa sa ilalim ng ulan. O di ba bongga?

And thinking of it, what if connected yung hula sa aming dalawa? What if si Philip nga yung tinutukoy ni Ate Merls na lalaking mamahalin ko at makakatuluyan ko?

Nakakaloka.

Nakakaloka lang talaga na after all the assumption Christopher and I made, si Philip pala talaga yung lalaki sa hula ni Ate Merls.

Lahat kasi nang sinabi noon ni Ate Merls ay pasok kay Philip.

Galing siya sa mayamang pamilya (pareho kayang doktor ang parents niya) tapos yun nga, nineteen letters yung pangalan niya.

Ang hindi lang tugma kay Philip, ay yung sinabi ni Ate Merls na labintatlong beses ko daw makakatagpo accidentally yung lalaking yun. Pano, hindi ko naisip na si Philip yun dahil nga kay Christopher.

Pero ngayon, naisip ko lang, what if nagkakatagpo din pala kami ni Philip ng hindi namin pinagplaplanuhan?

Waah! Dapat ko din bang binilang yung mga accidental meetings namin ni Philip? Simula sa simula?

Bigla akong nag-panic dun sa ideyang yun. Na baka all along, si Philip pala yung lalaking makakatagpo ko ng labintatlong beses accidentally. Hindi ko lang namamalayan dahil doon ako nag-focus kay Christopher. Sa huli pala, si Philip pala talaga yung para sa'kin. Hindi si Christopher.

I almost cried at that thought. Ewan ko ba kung bakit pero natakot ako dun. Siguro dahil hindi ko kinaya yung realization dun sa natuklasan ko.

Lecheng nineteen letters kasi yan eh! Bakit hindi ko yun napansin dati?

I tried to remember the very first time I met Philip. Dun yun sa office nila. It was the time when I accidentally met Christopher and I was looking for my handbag. At kung iisipin, yung pagkikita namin ni Philip that time--- it could be counted as an accidental meeting.

Bumigat yung pakiramdam ko dun. I almost wanted to deny that it ever happened, but I couldn't deny Philip. He was one of the reasons that my stay in this place became comfortable. He made me feel comfortable by befriending me first. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Yun nga lang, hindi kinakaya ng utak ko na ikonek siya sa mga hula-hula ni Ate Merls at hindi ko lang ma-take yung posibilidad na baka siya nga yung tinutukoy ng hula. It's not that I didn't like him--- parang ang weird lang talaga kasi na siya yun--- si Philip na napaka-rational at halos araw-araw kong kasama ay yung lalaking makakatagpo ko accidentally ng labintatlong beses. Ang pagkakaintindi ko kasi dun sa hula, parang dapat total stranger sa'kin yung lalaking yun. Kasi kung araw-araw ko siyang nakakasama, pano kami magtatagpo accidentally di ba? Ano yun, bawat pagpasok namin sa classes namin ni Philip ituturing kong isang accidental meeting kasi kung tutuusin hindi nga naman ako sure kung papasok siya o hindi sa bawat class namin di ba?

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon