"Christopher?" Shocked na sagot ko sa telepono. "B-Bakit ka tumawag?" Tanong ko pa at naglakad ako palayo sa mga kaibigan ko.
"A-Ano kasi...nasa bahay niyo ako ngayon," he replied.
"Ha? Anong ginagawa mo diyan ngayon?"
"I was hoping to see you," diretsahan niyang sagot. "Kaso natuloy ka pala sa lakad niyo?"
"Oo. Kasama ko dito ang Student Council."
"Ganun ba?" He replied sounding disappointed.
"Oo eh. One month na naming plano ito na mag-excursion. Actually sabit nga lang ako sa lakad na 'to. Mabait lang talaga sila sa'kin," paliwanag ko. I know I don't have to explain to him but since he went to our house to see me, I felt like he deserved my explaination. Ganun yata talaga. May connection na rin kami talaga ni Christopher kaya ganito na kami kung mag-usap.
"Three days daw kayo diyan sabi ni Tita Raya?" Tanong niya pa.
"Yes. Susulitin na namin kasi malayo 'tong pinuntahan namin."
"I see. Sayang. I thought makaka-attend ka ng kasal ng Tito ko bukas. It turns out hindi na pala talaga tayo magkikita."
Nalungkot ako agad dun. Totoo na kasi ngayon yung statement na yun ni Christopher. Hindi na lang yun isang Hypothesis Contrary To Fact. Kasi pagkatapos daw ng kasal ng Tito niya, babalik na agad sila ng US. Sila ng Lola niya.
Ibig sabihin, wala na talaga kaming chance na magkita pagbalik namin sa bahay mula dito sa Canigao. Kaya siguro pinuntahan na ako ni Christopher sa bahay para makipagkita sa'kin. Nakakakilig man yung effort niya, siyempre malungkot pa rin ako kasi hindi naman kami nagkita. Nakakapanghinayang lang.
"Sorry, Christopher ha. Hindi mo kasi agad sinabi na makikipagkita ka."
"Okay lang. Ganun yata talaga."
Mas nalungkot ako dun. "Chat na lang siguro tayo sa Facebook?"
"Pwede naman. Pero mas maganda sana kung magkikita talaga tayo bago ako bumalik ng States."
"Magkikita pa rin naman tayo," I replied positively. "We'll keep in touch na lang siguro? Para kung sakali mang malapit tayo sa isa't-isa ay pwede tayong magkita."
"I like that," aniya. "Basta ba magre-reply ka sa messages ko. Hindi na nga yata kita friend sa Facebook eh. Binlock mo ba ako nun?"
Nahiya ako. "Sorry. Ang OA ko kasi dati, kaya na-block kita. Pero hindi na ngayon. I already unblocked you. I-add na lang ulit kita."
"Okay," sagot niya na tila nabuhayan na. Kanina kasi ang lungkot ng boses niya. "Kahit na napakaliit na ngayon ng chance na magkikita tayo, I will still look forward to it."
"Ano ka ba naman, magkikita pa naman tayo eh. Hindi nga lang natin alam kung kelan. Nung akala ko nga na hindi na kita makikita, bigla ka namang sumulpot sa Amazing Race. Kaya posible pa rin na magkita tayo."
"Sabagay," dugtong niya.
Natahimik ako. Natahimik din siya. Para ngang may dumaang anghel eh. Feel na feel ko tuloy yung awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"Sophie..."
"Ano yun?"
"May aaminin ako sa'yo."
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"A-Ano yun?" Halos nanginginig na ako sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...